VICE NAGING EMOSYONAL SA SORPRESA NI KRIS

vice kris12

Sa March 31 ang birthday ng Kapamilya star na si Vice Ganda. 43 years old na siya ngayong taon. Isa sa mga longtime friends niya sa showbiz ay si Kris Aquino at hindi inaasahan ng sikat na host na bibigyan pala siya ng Queen of All Media ng isang advance birthday surprise.

Sa isang video na pinost ni Vice Ganda, makikitang nasorpresa siya nang makita ang malaking basketball-themed balloon bouquet sa ibabaw ng kama niya, at sangkatutak na balloons sa ceiling. Nang basahin niya ang card na nakakabit dito, tinawag siya ni Kris bilang kanyang ‘naudlot na asawa’ at, “Once upon a time, I needed a rainbow after 1 of my biggest heartaches. Happy Birthday to someone who deserves a lifetime of sunshine.”

Meron ding card mula kay Bimby na nagsasabi naman na, “Because you deserve a whole TEAM! Happy Birthday. I love you for life!” Naging viral agad ang post at pinutakti ito ng comments ng netizens.

 

92

Related posts

Leave a Comment