MAY bulung-bulungan na nabuwag na ang tambalan nina Vivoree Esclito at Charles Kieron. Magkahiwalay na raw ang mga proyekto na gagawin ngayon ng aktres at Hashtags member. “Siguro magkaiba lang po kami ng blessings. Grateful pa rin po ako na we’re still team naman. Of course we’re okay,” bungad ni Vivoree.
Hindi raw maipangako ng dalaga sa kanilang mga tagahanga ni CK kung muli silang magkakatambal sa mga susunod pa nilang proyekto. “Not sure. Kasi currently we have Killer Bride naman and a music video,” pagbabahagi ng aktres.
Makakabilang si Vivoree sa digital series na ‘He’s Into Her’ na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. “Grateful po and happy ako na naging part ako. Kasi alam ko talaga na itong He’s Into Her sobrang daming fans talaga. Pero at the same time kinakabahan ako kasi di ko alam kung pa’no ko i-meet ‘yung expectations nila. Pero syempre kaakibat no’n gawin ko pa rin ‘yung best ko,” paglalahad niya.
Gagampanan ng aktres ang karakter ni Isay na isang nerdy fan girl sa istorya ng nasabing digital series na hango rin sa sikat na nobela ng Wattpad. “Si Isay, isa siyang sophomore na student. Tapos nerdy fangirl siya ni Dave,” nakangiting pahayag ni Vivoree.
Sa ngayon ay ini-enjoy ng dalaga ang taping ng kanilang buong grupo na halos puro baguhan pa lamang sa sa show business. “Fun, gusto ko lang magka-work kami together. And mag-grow kami as actors and actresses. And may ma-learn din kami sa isa’t isa. Basta gusto ko lang mag-improve pa,” dagdag pa ng aktres. -Reports from JCC-
279