ZEPHANIE PRESSURED KINA REGINE, SARAH

(NI BOY ABUNDA)

PUSPUSAN ang paghahanda ni Zephanie Dimaranan sa major concert niya bukas ng gabi. Gaganapin sa New Frontier Theater sa Cubao ang ‘Zephanie’ concert.  Magkahalong emosyon ang nararamdaman ng kauna-unahang ‘Search for the Idol Philippines’ dahil ito rin ang kauna-unahang major concert ng singer.

“Sobrang feel ko na po ang kaba, excitement and at the same time, lalo na po ngayon siyempre pangarap ko po ito. Pero hindi ko naisip na ibibigay agad nang ganito kabilis ang opportunity and ang blessing na binibigay po para sa akin,” nakangiting pahayag ni Zephanie.

Mas kabado umano ang dalagita dahil magiging panauhin sa kanyang concert ang mga idolong sina Sarah Geronimo at Regine Velasquez. Isang malaking karangalan para kay Zephanie na makasama sa isang entablado ang Asia’s Songbird at ang Popstar Royalty na pinapangarap lamang niya noon.

“Siyempre icons po sila and ‘yung pressure na kailangan na nando’n din po ako, sa best ko. Mas happy po ako na looking forward po ako sa performance po namin sa concert. Kasi it’s a dream come true,” pagbabahagi ng singer.

Magiging mas masaya ang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon ng pamilya ni Zephanie dahil sa mga biyayang natatanggap ng dalagita.

“Sabihin na natin na mas makakapag-bond ako with my family and friends nang walang limit and parang very special po ng year na ‘to para sa akin dahil sa dami ng blessings,” pagtatapos niya.

Bukod kina Regine at Sarah ay panauhin din sina Janine Berdin, Elha Nympha, Moira dela Torre at Erik Santos sa naturang concert. With reports from J.C.C.     

 

225

Related posts

Leave a Comment