SINDIKATO NGA BA ANG NASA LIKOD NG PATAYAN SA BOC?

MGA Igan, hindi kaila sa atin ang mga nangyayaring pananambang sa Bureau of Customs, ilan nga rito ay nagbuwis ng buhay. Sino nga ba ang nasa likod nito? Haitz! Despalinghado ang ating mga INTEL! Ambot!

Salamat naman sa tropa ni Bureau of Customs ESS Dir. Yogi Ruiz, isang pulis ang inaresto, at sinasabing ito’y suspek sa pag-atake sa limang kawani. Ang tanong ­bakit kaya pulis? Ambot sa ­kambing na may bangs!

Nakapagtataka lang at ­kaagad itong namatay. Sadya bang pinatay? May nais bang pagtakpan? Namatay raw dahil sa pang-aagaw ng baril. May naamoy ba kayo, mga Igan? Ambot!

Sa ulat, nagtangka umanong mang-agaw ng baril si Police ­Executive Master/Sergeant Celedonio Conseran Jr., hayun binaril siya at napatay. Nang-agaw nga ba? Haitz! Kaya sa mga Igan natin sa BOC, ingat lang po.

Bago pa man mabaril si Conseran, muli itong nahuli ng mga operatiba ng BOC dakong alas-kwatro ng hapon, araw ng Biyernes, na nakunan ng baril, at motorsiklong walang plaka.

Nabatid din mga Igan, na naka-assign sa Quezon City Police District (QCPD) ang suspek, na siya umanong nasa likod ng pamamaril sa limang opisyal ng BOC at dalawa sa kanyang ­naging biktima ay agad na binawian ng buhay.

Batay sa source, tugma ang motorsiklong narekober kay Conseran sa mga kuha ng CCTV sa motor ng gunman, at pati na sa taong naghagis ng granada sa tanggapan ng BOC. Sino ‘yung nahuli sa MICP? Ambot!

Pero, palaisipan pa rin kung sino ang nasa likod ng ­pananambang. Hindi kaya opisyal din ng BOC? Ayon kasi sa isa kong source, laro daw ‘yan ni SIR. Sino ito? Bakit hindi natin ibunyag.
Biro pa nga ng isang kawani. “Butcher,” ‘yan ni Sir nung mga active pa sila. Hala ka? May idea na ba kayo? Well, hintayin natin ang imbestigasyon ng mga awtoridad. Tandaan, walang sikretong hindi nabubulgar!

Samantala, kinukunan natin ng panig ang mga taga BOC, ngunit tikom ang kanilang bibig, at hayaan na lamang daw natin ang mga awtoridad na mag-imbestiga. Paging, National Bureau of Investigation Dir. Eric Distor. Nasa iyong mga kamay ang susi para malutas ang krimen sa BOC.

***

GABINETE NI BBM,
MGA UP ECO

MGA Igan, lubos ang aking kagalakan nang maiproklama na si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., bilang ating ­panglabing-pitong Presidente ng bansa, at gayundin sa ating bise- Presidente na si Madam Sara Duterte-Carpio.

Sa kanyang pagkakaproklama, tuloy-tuloy na rin ang pagbuo ng kanyang mga gabinete at ilan nga rito ay pinangalanan na bukod sa ating Bise Presidente na kalihim ng Edukasyon.

Sa pahayag ni President Elect Bongbong Marcos Jr., magiging bahagi ng kanyang economic team sina Benjamin Diokno na magiging kalihim ng Department of Finance.

Papalitan naman si Diokno ni Philip Medalla bilang Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Si Fred Pascual naman sa Department of Trade and Industry, habang si Manny Bonoan ang napiling kalihim ng DPWH.

Nakapili na rin ng SPECIAL ASSISTANT to the President si BBM at sa katauhan maman ni Antonio Lagdameo na matagal namang kaibigan ng ating Pangulo.

May napansin ako, mga Igan! Mga taga University of the Philippines lang naman ang kanyang ECONOMIC TEAM. Pansin niyo rin ba? Sa kabila ng mga masasakit na salita mula sa mga bayarang estudyante, mula sa UP. Hindi naman lahat!

Kaya naman, makiisa na lang kayo at suportahan si BBM. Tama po ba ako, PCOO Sec. Atty. Trixie Cruz-Angeles. Taga UP din ‘yan. HAHAHAHA.

253

Related posts

Leave a Comment