SMC TUMUGON SA UTOS NI PDUTERTE NUTRIBUN NI MARCOS IBINALIK

ISA sa mga ipinamamahagi ng San Miguel Corporation (SMC) sa mga pamayanang tinamaan ng matinding pandemyang novel coronavirus 2019 o COVID 19 ay ang nutribun.

Ang nutribun ay tinapay na ipinagawa at ipinamigay sa mga mag-aaral sa elementarya noong panahon ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos upang sugpuin ang
malnutrisyon sa mga bata noong dekada ’70.

Naisip ni Marcos na mamahagi ng tinapay na masustansiya at mayroong bitamina bilang pantapat sa malnutrisyon.

Tinawag ni Marcos na nutribun ang tinapay, sapagkat punumpuno ng nutrisyon ang bun.

Makaraang manawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mayayamang negosyante na

tumulong sa pamahalaan sa pagharap sa masamang epekto ng COVID-19 sa kalusugan at kabuhayan ng mamamayan, lalo na iyong mahihirap, isa ang SMC na pinamumunuan ni
Ramon Ang sa tumugon.

Ayon kay Ang, maraming nutrisyon ang bun at mayroong 250 calories bawat tinapay na ginagawa ng SMC.

“This is safe, sufficient and nutritious food for the hardest-hit families facing hunger as a result of the COVID-19 crisis,” anang negosyante.

“We will continue to step up and find creative ways to help the neediest and most vulnerable.

Panic will not solve anything. We have the means, we just have to work together to win this battle,” patuloy niya.

Sinimulan nang mamahagi ng nutribun ng SMC sa mga pagamutan, pamahalaang lokal at

ilang hmpilan ng pulisya sa Metro Manila kung saan pinakamaraming biktima ng COVID. NELSON S. BADILLA

156

Related posts

Leave a Comment