Social distancing sa Manila ‘white sand beach’ hindi nasunod MPD STATION COMMANDER SIBAK

SINIBAK sa pwesto ang hepe ng Manila Police District Station 5 dahil sa kabiguang maipatupad ang pinaiiral na social distancing ng IATF bunsod ng coronavirus pandemic nang dumagsa ang mga tao sa Manila Bay para mag-usyoso sa pinagmamalaki ngayong white sand beach sa Maynila.

Sa panayam ng mga mamamahayag kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, sinabi nitong “…He will be relieved of his position today for failing to enforce the minimum health standard particularly the one meter distancing. ”

“Actually dapat kahapon pa sila nag-impose ng strict measures para naiwasan ang ganyang pangyayari,” ani Sec Año kasunod ng pagpalpak ng mga tauhan ng MPD station 5 na pinamumunuan ni P/Lt Col Ariel Caramoan.

“Ang report sa akin ni Eleazar (P/Lt Gen Guillermo Eleazar, Joint task Force COVID Shield commander) na-relieve na kasi kanina pa namin yan pinag-uusapan.

Si PLt. Col. Caramoan ay papalitan ni PLt. Col. Alex Daniel bilang OIC, MPD Station 5.

Pahayag naman ni JTF COVID Shield commander LTCOL Guilermo Eleazar, “As the immediate area commander, Police Lt. Col. Ariel Caramoan should have taken the initiative in planning and implementing strict security and health safety measures for the opening of the cleaned and beautified portion of the Manila Bay, popularly known as the Manila Bay White Sand Baywalk, to the public.”

Kaugnay nito, ipinag-utos kahapon ng DILG na magtalaga ng dagdag na pulis para magbantay at magpatupad ng physical distancing sa nasabing pasyalan. “Saka the Manila LGU also has to deploy more mashals there,” anang kalihim.

Nabatid na bago pa man ang pagbubukas ng white sand area sa bahagi ng Manila Bay ay mahigpit na ang tagubilin ni Manila Mayor Isko Moreno na sundin ang social distancing at ipatupad ang minimum health requirement.

Posibleng ipasara muna ang ang nasabing lugar para maiwasan na muling malabag ang social distancing lalo na at nasa General Community Quarantine pa ang siyudad at hindi pa rin ito pinapayagan ng Tourism Department.

Binigyang katwiran ni Sec Ano ang DENR at maging ang LGU na ipinakita lang nila na maganda na ang Manila Bay. “Pero the Manila LGU, kanilang lugar so kailangan mag-enforce at mag-establish sila ng magandang protocol dyan na hindi mababa-violate,” saad ni Ano. (JESSE KABEL)

92

Related posts

Leave a Comment