COVID DEATHS NG PINAS, HALOS 5K NA

UMAKYAT na sa halos limang libo katao ang nasasawi sa COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ay makaraang makapagtala ng panibagong 55 na pagkamatay na naghatid sa kabuuang bilang na 4,984.

Samantala, pumalo naman sa 286,743 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa, ayon pa rin sa ulat ng Department of Health (DOH).

Sa inilabas na case bulletin ng ahensya, pitong laboratoryo ang bigong makapag-submit ng kanilang mga report sa COVID-19 Data Repository System kaya ang new cases ay nasa 3,311 lamang.

“Of the 3,311 reported cases today, 2,774 (84%) occurred within the recent 14 days (September 7 – September 20, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (1,182 or 43%), Region 4A (555 or 20%) and Region 6 (299 or 11%),” ayon pa sa ulat ng DOH.

Pumalo naman sa 51,894 ang mga nagpapagaling na binubuo ng 86.6% mild cases, 8.7% asymptomatic, 3.3% critical at 1.4% na mga severe.

Habang aabot sa 20,021 ang additional recoveries na ang kabuuang bilang ay nasa 229,865 na. (D ANIN)

220

Related posts

Leave a Comment