SOLON: LIBRE NANG MANOOD NG SEA GAMES

(NI NOEL ABUEL)

“LIBRE na  mga Pinoy na gustong manood ng mga laro sa nagpapatuloy na 30th South East Asian Games.”

Ito ang kinumpirma ni Senate Committee on Sports chair Senator Christopher Bong Go matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahalaga na mas maraming Filipino ang manood ng laban ng mga Pinoy athletes.

Gayunpaman, nilinaw ni Go na base sa pag-uusap nila ni PHISGOC chairman Alan Peter Cayetano, maaaring  buksan sa publiko nang libre ang  panonood ng mga laro maliban sa basketball, volleyball at football dahil sold out na ang mga tickets nito.

Sinabi ni Go na hintayin na lang  kung  paano ang gagawing distribution ng ticket ng  PHISGOC hinggil dito matapos sang-ayunan ni Duterte ang  suhestiyon na gawing libre ang ticket para magkaroon ng  mas maraming taga-cheer ang mga atletang  Pinoy.

Tiniyak naman nito na nauunawaan nila ng Pangulo na kailangan din ng  PHISGOC na kumita para sa kanilang mga gastusin.

Samantala, kasama sa libreng  ticket ang sa closing  ceremony  na magsisilbing  pa-concert kung saan maraming artist ang magpi-perform.

 

194

Related posts

Leave a Comment