(BERNARD TAGUINOD)
MISMONG ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang sumasabotahe sa sugar industry sa bansa.
Ito ang opinyon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas matapos payagan ng Pangulo ang pag-angkat ng 440,000 metric tons ng asukal na inaasahan magkakaroon aniya ng negatibong epekto sa nasabing industriya.
“It will sabotage local sugar industry,” ani Brosas dahil posibleng maging dahilan ang panibagong pag-aangkat para mawalan ng hanapbuhay ang sugar farmers at kanilang mga trabahador.
Noong panahon aniya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, bumagsak ang kabuhayan ng mga rice farmer dahil sa over-importation ng bigas matapos nitong lagdaan ang Rice Liberalization Law.
“And now, the Marcos Jr. administration wants to sabotage the local sugar industry by importing 440,000 metric tons of sugar despite opposition from local farmers,” ayon pa sa mambabatas.
Dahil dito, tiyak na mararanasan din aniya ng mga sugar famer ang masamang karanasan ng rice farmers.
Tulad ng maraming magsasaka ng palay, malamang na aabandonahin din umano ng sugar farmers ang pagtatanim dahil sa walang habas na pag-aangkat ng Marcos administration ng asukal.
“The most effective solution to this issue is for the government to provide subsidies for the operations of local sugarcane planters. President Marcos Jr. must veer away from his addiction to importation and subsidize fuel and fertilizers which has been rising for many years,” dagdag pa ni Brosas.
Ang masaklap pa aniya, hindi naman bumababa ang presyo ng asukal kahit patuloy na pinababaha ni Marcos ng imported na asukal sa local market.
159