Panawagan ng Globe: I-register agad ang inyong SIM para sa inyong proteksyon

Nakapag-paregister na ba kayo ng inyong SIM? Kung hindi pa, mag-register na, now na!

Paalala sa mga Globe at TM subscriber na huwag nang hintayin ang last minute para magpa-register ng SIM. Dahil ang registered SIM, mas protektado! Bakit ika niyo?

Kung registered ang SIM, maaari mo itong ipa-block kung sakaling mawala o manakaw ang inyong cell phone. Sa ganitong paraan, hindi maa-access ng mga kriminal ang personal information na nasa inyong SIM at mga account at apps na nasa inyong device.

Maiiwasan niyo rin na maging biktima ng mga spam at scam text. Malaking tulong ito para sa inyong peace of mind, hindi ba?

At siyempre kung registered ang SIM, tuloy-tuloy niyong mae-enjoy ang mobile services at magagamit ang inyong number para sa online transactions at pag-book ng mga delivery at ride-hailing services, atbp. Tuloy-tuloy din kayong makatatanggap ng urgent reminders mula sa government agencies.

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Maglaan lamang ng ilang minuto para magparehistro ng inyong SIM. Madali at mabilis lamang ito. Kailangan ninyo lamang sagutin ang ilang simpleng tanong at mag-submit ng isang valid government ID at picture.

Para sa mga Globe Prepaid, TM, at Globe At Home Prepaid WiFi user, maaari ninyong gamitin ang GlobeOne app o pumunta sa https://new.globe.com.ph/simreg.

Kung may fully-verified GCash account,  maaari na ring mag-register ang mga Globe Prepaid at TM users gamit ang app in just a few clicks! Intayin lamang ang instructions matapos maka-receive ng prompt para i-register ang kanilang SIM. May libreng 1GB na data pa kapag nagpa-register gamit ang GCash!

Ang mga Postpaid at Platinum users naman ay naisama na sa SIM registration database.

Kung nangangailangan naman kayo ng tulong, bukas ang 144 Stores at 27 EasyHubs ng Globe sa buong bansa para asikasuhin kayo.

Tandaan, ang pagpaparehistro ng inyong SIM ay para sa inyong kaligtasan. Huwag hintayin na maging huli ang lahat. Magparehistro ng inyong SIM bago matapos ang extended deadline sa Hulyo 25.

204

Related posts

Leave a Comment