“Sagip Yamang Dagat” 1ST SAKSINGAYON BUOYANIHAN AND COASTAL CLEAN-UP DRIVE

ISINAGAWA ang 1st SAKSI NGAYON BUOYANIHAN AND COASTAL CLEAN-UP DRIVE sa baybayin ng Brgy. Mainit, Mabini, Batangas noong nakaraang Sabado, Abril 27, 2024.

Biyernes ng gabi, Abril 26, 2024, bago nagtungo ang grupo sa baybayin ng Brgy. Mainit, Mabini, Batangas ay nagkaroon muna ng briefi ng na pinangunahan ni Ginoong Mario Elumba, Course Director para maging ligtas ang sinomang makikiisa.

Pinayuhan ni Ginoong Elumba, ang makikiisa sa paglilinis ng baybayin ng Brgy. Mainit na limitado sa kanilang aalisin at ilalagay sa sako ay cigarette butt, plastic cups, bottled water at diaper.

Nagsimula ang programa dakong alasbinabantayan 7 ng umaga, Abril 27 sa Seaview Forest Anilao, Bagalangit, Mabini, Batangas sa pamamagitan ng hosts na sina Ms. Tonette Marcelo at Ms. Tess Escuadro.

Nagtungo ang grupo sa Villa Estelita Resort na pag-aari ni Mr. Jay Server na kung saan ay isinagawa ang paglilinis sa baybayin ng Brgy. Mainit, Mabini ng nasabing lalawigan.

Nagkaroon ng Assembly, Registration, Opening Prayer, National Anthem, Opening Remarks ni Rochelle Pangan, Acknowledgement ni Fruel Rebellion, CleanUp Drive, Awarding of Certifi cates, at Closing Remarks ni Ms Tonette Tagle.

Kabilang sa mga nakiisa sa 1st SAKSI NGAYON BOUYANIHAN AND COASTAL CLEANUP DRIVE ay ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) 502nd AUXILIARYSQUADRON, CGADSTL, BingoPlus, SOGO Hotel at mga residente ng nabanggit na lugar.

Samantala kasama rin sa programa ay ang mga sponsors na kinabibilangan ng Meralco, Besuto, International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI), Blackwater, Dr. LaurAnne Skin and Body Care Line, Auszeal, Wiklin, Wilnor, MJ Fox

Security Services Consultancy, Embassy, Aqua Sweet, Hotel Lucky Chinatown, RC Cola at GO Hotel.

Nagbigay naman ng kasiyahan sa mga bata at matatanda sa lugar ang pamimigay ng fi esta towel, bag, tasa, payong, at iba pang souvenir items sa mga nakiisa sa CleanUp Drive.

Ang mga nakiisa mula sa Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) 502nd AUXILIARYSQUADRON, CGADSTL ay sina Commander Fidel Ruel Del Mundo, Philippine Coast Guard Auxiliary Commander Carlo Hernandez, Philippine Coast Guard Auxiliary Commader Ruel Macalalad at iba pang mga kasama.

Ayon kay Del Mundo, una siyempre makatulong kami, sa mga komunidad na katabi ng dagat kung paano pangalagaan ang karagatan, lalo na ang kalinisan at ‘wag tapunan ito ng basura.

Sinabi pa niya na bilang Auxiliary sila ay nais nilang makatulong sa PCG sa pangangalaga ng karagatan.

Isa sa kanilang binabantayan ay ang mga sasakyan dagat na nakakasira sa mga coral ang kanilang mga angkla sa tuwing ibinababa at itinataas ito.

Sinang-ayunan naman ito ni Philippine Coast Guard CPO Ronnie Mercado, Sub-Station Commander CGSS, Mabini na sumisira sa mga coral sa ilalim ng karagatan ang angkla.

Sinabi pa ni Mercado na mahigpit ang kanilang pagbabantay sa mga sasakyan pandagat sa lugar upang maiwasan ang paglala ng pagkasira ng corals.

Pinasalamatan nina Mercado at Del Mundo ang 1st SAKSI NGAYON BUOYANIHAN COASTALCLEAN-UP DRIVE dahil malaking tulong ito sa kalinisan ng nabanggit na karagatan.

(JOEL O. AMONGO)

53

Related posts

Leave a Comment