SIMPLENG MGA EHERSISYO SA SENIORS

EHERSISYO-2

Nakababahala ngayon ang ating mga senior citizen dahil marami sa kanila na kapag tumuntong na ng 60-anyos ay iba’t iba na ang nararamdaman sa katawan at sa kanilang kalusugan.

Ang mas nakalulungkot pa rito ay kahit wala sa edad na nabanggit ay marami na sa atin ang mahihina na ang katawan dahil lantad din tayo sa iba’t ibang mga bagay na nakasisira sa ating mga kalusugan.

Para sa mga nasa edad 50 pataas o sa ating senior citizens lalo pa’t kung may malakas pa silang pangangatawan at matibay-tibay pa ang mga resistensya, may mga paraan pa rin para gumanda ito at humaba ang kanilang mga buhay.

Sa ganyang mga edad dapat ay maging physically active pa rin sila para sa kanilang heart muscles at arteries o mga ugat.

Kahit pa nasa bahay ay may iba’t ibang paraan para sila ay makapag-unat-unat sa paraang hindi naman intense at hindi delikado para sa kanila.

Ilan sa mga puwedeng gawing safe na exercises ay ang mga sumusunod:

  1. Wall push-up. Gawin ito kahit bumilang ng 1-10 o hanggang 20 depende kung kaya ng katawan.
  2. Single foot stand. Salitang gawin ito sa magkabilang binti at tingnan kung kakayanin ang tagal base sa bilang.
  3. Tippy toe lifts. Simple lamang ito para maiangat ang buong katawan habang itinataas ang hulihang bahagi ng talampakan.
181

Related posts

Leave a Comment