SISIG NG ‘PINAS PANG-WORLD CLASS

SISIG-1

Kung pagkain lang naman ang pag-uusapan hindi mauubusan ang mga Filipino riyan. Tayo pa ba?!

Sa usaping pagkaing makasaysayan pwede nating tutukan ang sarap ng istoryang sisig.

Ang sisig ay nagmula sa norte – sa Angeles City, Pampanga.

Sa loob ng maraming taon nag-evolve na ang timpla at lasa nito pero ang bottomline pa rin ay ito ay napakasarap.

Hanggang sa naging bahagi na ito ng isang okasyon kada taon, ang Sisig Festival na unang ini-lunsad noong Mayo 17, 2003 sa Angeles City sa Pampanga.

Ang kapistahan ay tinawag na “Sadsaran Qng Angeles”.

Sa kakaibang sarap ng putaheng ito, nakapagpasa ng isang resolusyon kung saan ay inihayag ang Angeles City bilang “Sisig Capital of the Philippines.” At walang ibang bayan ang kumontra rito.

KASAYSAYAN NG SISIG

Sa kwento, nagsimula ang pagkakaroon ng sisig noong 1732 dahil sa isang Spanish missionary na naging pari sa Mexico, Pampanga noon.

Hango ang salitang sisig sa “sisigan” na ang isang lumang Tagalog na lengguwahe na ang ibig sabihin ay “paasimin”.

Sa naturang Augustinian friar, ang ibig sabihin ng sisig ay “isang uri ng ensalada na may berdeng papaya, o hilaw na bayabas at ang dressing nito ay paminta, sibuyas, asin, at suka.

Sa natural na pagkaasim ng pagkain na ito ay naisip para madomina ang pagsusuka, lalo na sa mga nahihilo.

Nang dumating ang mga Amerikano sa bansa, nag-iba ang mga rekado, timpla at istilo sa pagluluto ng sisig.

Ninais noon na ilahok ang karne ng baboy sa sisig na ito. Pero ang karne na ito ay ang parte ng ba-boy – o ang ulo nito – na hindi naman talaga basta kinakain at minsan ay buntot. Pero sa ulo ng ba-boy ang mas pinili noong gamitin ay gaya ng pisngi, dila, tainga, o panga. May iba rin na hinahalu-an pa talaga ito ng utak, at atay ng baboy.

PUSO NG SAGINGMay kwento ring nagsimula ang sisig sa rekadong puso ng saging bago pa nag-evolve ito sa pag-gamit ng karne ng baboy.

Ang tradisyunal na sisig na ito ay mas umangat at nakilala dahil sa timpla ni Lucia “Aling Lucing” Cunanan na taga-Angeles, Pampanga. Mayroon siyang turo-turo noon kung saan malakas ang bentahan ng kanyang sisig. Hinahanap-hanap ang kanyang sisig (chopped meat, na nalito sa sour-ing agent). Ang lahok niyang tainga ng baboy ay gustung-gusto ng mga tao dahil sa malasa at ma-lutong.

Mas sumarap sa kanyang timpla at ang presentasyon nito na mas katakam-takam sa itsura ng sisig ay nang mailagay na ito sa sizzling plate.

Kalaunan pa, ang mga gulay, prutas sa sisig at pagkaasim nito ay nawala at ang mas naging lahok na lamang ay baboy, sili (haba man o labuyo), sibuyas, bawang, paminta, calamansi, itlog, at may-onnaise.

SISIG SA IBANG LUGAR

SISIG-2Mula sa Angeles City, inampon na rin ang putaheng ito ng iba pang lugar sa Pampanga.

At dahil naging popular ang sisig ng Pampanga, ito ay dumayo pa sa iba’t ibang lugar sa bansa partikular sa Metro Manila.

Naging bahagi na rin ito sa iba’t ibang hapag-kainan, hindi lamang basta ulam kundi na¬ging pulu-tan na rin sa iba’t ibang okasyon. Siyempre pa ay sinasabayan ito ng tradisyong Pinoy na kapag ganyan kasarap ang pulutan ay may inuman at masarap ding mga kwentuhan.

Maging sa mga restaurant at bar ay bahagi na rin ito ng kanilang menu at siyempre pa ay pagalin-gan sila sa sarap, presentasyon at iba pa para sila ay da¬yuhin ng kanilang mga parok¬yano.

Sa hindi maitagong sarap at pagiging popular nito, ang sisig ay dumayo na rin sa ibang bansa.

Ang putaheng ito ay karaniwang nasa merkado ng mga Filipino community sa iba’t ibang parte ng mundo.

Sa review ng The New York Times ang naging deklarasyon nila rito ay, “arguably the best pork dish on earth.”

KOMENTO NG MGA BANYAGA

BANYAGADahil sa natikman ng maraming banyaga ang sisig, hindi nila maitanggi ang sarap nito.

Ang yumaong kilalang celebrity chef at TV host Anthony Bourdain ay isa rin sa nagpatunay na ito.

“Americans and American palettes are just now starting to become seriously interested… I think cer-tain Filipino dishes are more likely to take root and take hold more quickly than others,” ayon kay Bourdain.

“I think sisig is perfectly positioned to win the hearts and minds of the world as a whole,” dagdag pa niya.

IBA PANG BERSYON NG SISIG

Sinasabing ang sisig ay isang putaheng masarap “laruin” ito ay dahil pwede ang reinvention dito.

Dahil may mga health conscious at ayaw na ayaw sa taba o mantika na dala ng baboy, may mga nag-imbento rin nito na iba naman ang mga pangunahing rekado. Tulad ng mga ito ay manok, isda, pusit, tokwa, tahong habang ang iba ay balik sa nakaugaliang rekadong puso ng saging.

May mga bersyon din ng mga ito na mabibili na sa supermarket bilang frozen food habang ang iba ay mga de-lata.

Ang pagluluto ng mga Kapampangan ay hindi basta libangan. Gaya ng pagluluto ng sisig, ang pag-luluto nila ay isang tradisyon – identity nila at ambag sa “sariling atin” sa kultura ng ating mga pagkain.

279

Related posts

Leave a Comment