ABOT-KAMAY NA: PHL, 30th SEAG OVERALL CHAMP — PSC

(NI VT ROMANO)

MAY dalawang araw pang nalalabi bago bumaba ang telon ng 30th Southeast Asian Games, pero maaari nang angkinin ng Pilipinas ang overall championship.

Isa si Philippine Sports Commission (PSC) chairman at chef de mission William “Butch” Ramirez sa nagpahayag nang kasiyahan sa resulta ng kampanya ng Pinoy athletes. Ayon kay Ramirez, ipinakita ng mga Pinoy na kaya nating magkaisa para sa ikatatagumpay ng bansa.

“Almost to the final stretch, and I am grateful to God for the steady performance of our team,” lahad ni Ramirez.

“More than the medal haul, I am thankful for all the sacrifice and hard work that went behind pushing their chances for a shining moment of victory,” aniya pa.

Habang isinusulat ito, ang Pilipinas ay may nakulekta nang 229 medals (90-68-71 gold-silver-bronze medals).

Malayo ang agwat sa sumesegundang Indonesia, 54-49-68 at sa pangatlong Vietnam na may 48-53-65 medal tally.
Hindi lang ang mga napanalunang medalya ang dapat tingnan sa SEA Games, ayon kay Ramirez, kundi maging ang mga pangyayaring naganap sa likod ng bawat tagumpay, pati na ang pagiging host ng Pilipinas sa kabuuan.

“Having the privilege of being both the PSC chairman and the chef de mission, I am witness to the many beautiful stories behind this event, and given a glimpse into the legacies that the SEA Games will leave,” wika ni Ramirez.
Dagdag pa niya: “The gains from this event does not end when the curtains comes down on the 30th SEA Games edition. On top of the victories, there are many long-term advantages — legacies — the SEA Games gifted us with.”

Maging si Philippine Olympic Committee (POC) chairman Steve Hontiveros ay idineklara na ring kampeon ang Pilipinas.

“We got this. We are overall champions,” pahayag ni Hontiveros. “Other countries don’t have much left to get gold medals.”

Ito ang ikalawang pagkakataon na nakamit ng Pilipinas ang overall crown ng SEA Games, na unang nagawa nang maging host din noong 2005 edition.

Matapos ang SEA Games, pagtutuunan naman ng pansin ng PSC at POC ang paghahanda at pagsabak ng mga atletang Pinoy sa 2020 Tokyo Olympics.

105

Related posts

Leave a Comment