BASEBALL: PH HAHATAW SA EAST ASIA CUP

BUMABA sa ika-40 puwesto ang Philippine men’s national team, habang nanatili sa No. 14 ang women’s national squad sa pinakabagong World Baseball Rankings.

Isinisi ito ni PABA Secretary General Jose Pepe Munoz sa kawalang aktibidad sa nakalipas na tatlong taon.

Laglag ng apat na notches (mula sa dating ika-36 na ranggo) ang PH men’s, habang nasa tuktok pa rin ang Japan, Chinese Taipei at USA.

Samantala, ang women’s squad ay ­nananatiling palaban at magbabalik-aksyon sa Asia Cup sa Mayo. (ANN ENCARNACION)

22

Related posts

Leave a Comment