BEERMEN LUSOT SA DOUBLE-OVERTIME WIN

beer66

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor)

NAILUSOT ng San Miguel Beermen ang 127-125 double overtime win kontra TNT KaTropa, Miyerkoles ng gabi sa Game Two ng PBA Commissioner’s Cup finals sa Smart-Araneta Coliseum.

Sinamantala ng Beermen ang pagkakatalsik ni TNT import Terrence Jones at ang pagkawala ni Troy Rosario sa ikalawang overtime period bunga ng anim na foul, para itabla ang best-of-seven series sa 1-1.

Swak ang dalawang free throws ni June Mar Fajardo sa huling 32.1 segundo sa second overtime tungo sa 124-122 count. Nadulas si Jayson Castro sa sumunod na posesyon na nagresulta ng layup ni Chris Ross, 15 second na lang at nagbigay sa Beermen ng four-point bentahe.

Natawagan si Jones ng ikalawang technical foul, dahilan para ma-eject siya sa unang overtime pa lang. Habang si Rosario nama’y na-foul trouble sa second overtime.

133

Related posts

Leave a Comment