PANALO si world tennis No. 282 Alexandra “Alex” Eala sa unang laro sa W100 Grodzisk Mazowiecki Open Castilla y León Villa de El Espinar sa Poland.
Winalis ng 17-anyos na Pinay si Laura Svatikova ng Slovakia, 6-4, 6-4, sa Round of 64 upang umusad sa susunod na round.
“Super happy to win my first W100k match. Laban pa!” socmed post ni Eala matapos malampasan ang unang pagsubok.
Maagang nagparamdam ang Rafa Nadal Academy scholar nang magposte ng 5-1 abante sa unang set at tuluyang kinontrol ang game, na tumagal ng isang oras at 23 minuto.
Sunod na makakasagupa ni Eala si Katharina Hobgarski ng Germany sa Round of 32.
Si Hobgarski, seeded 14th sa tournament, ay nakakuha ng bye sa opening round at pinanood na lang ang laro ng makakalabang Pinay.
Kagagaling lang ni Eala sa back-to-back semifinals at isang final appearances sa Spain. (ANN ENCARNACION)
