BINUHAY ni dating senador Antonio Trillanes IV ang kasong drug smuggling at graft and corruption laban kay Davao City Rep. Paolo Duterte at iba pang indibidwal sa Department of Justice (DOJ).
Ito ay makaraan kalampagin ng senador sa ikalawang pagkakataon ang ahensya para idiin sa kasong kriminal ang anak ng dating pangulo na mas kilalang “hoodlum” at tagagarote ng mga tulak at adik sa lipunan.
Matatandaang inakusahan ni Trillanes si Rep. Paolo Duterte na sangkot sa umano’y P6.4 billion shabu shipment na naharang noong 2017.
Kabilang sa mga unang sinampahan ng reklamo noong Hulyo 2024 sina Atty. Mans Carpio, ang asawa ni VP Sara Duterte, dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at iba pa. (JULIET PACOT)
