KUNG mga netizen ang tatanungin, gusto nilang sibakin sa pwesto si Finance Secretary Ralph Recto dahil sa maliwanag na hindi nito pagsunod sa batas.
Nag-ugat ang pagpuna ng mga netizen sa kalihim sa viral photo kamakailan kung saan makikitang humihithit ng vape ang tila nangunguyakoy pang si Recto habang kaharap ang mga alkalde.
Nabatid ng SAKSI NGAYON na kuha ang larawan sa Meeting with Mayors for Good Governance noong January 15, 2025 sa tanggapan ni Recto sa Department of Finance.
Isinasaad sa Republic Act No. 11900 ang pagbabawal sa paggamit ng ‘vaporized nicotine and non-nicotine products in indoor public places, including government offices’.
Ang Civil Service Commission (CSC) ay nagpapatupad ng 100% smoke-free policy sa lahat ng ‘government buildings and grounds’ habang ang Department of Trade and Industry (DTI) ay naglabas ng administrative orders na nagpapataw ng multa sa mga gumagamit ng vape sa indoor public spaces.
Kaya naman inancha nang todo ng mga netizen si Sec. Recto nang kumalat ang nasabing larawan na mistulang pambabastos din anila sa mga kaharap nitong alkalde na kinabibilangan nina Baguio City Mayor Benjamin Magalong at Joy Belmonte ng Quezon City.
Isa sa mga netizen ang nagsabing si Recto ang isa sa mga ehemplo kung bakit sablay ang sistemang pangkalusugan ng bansa.
Narito pa ang ibang reaksyon na mababasa sa X:
Wanderer:
Ralph Recto is also the principal sponsor of SB 2239, the bill that effectively lowered the age requirement to be able to purchase vapes and electronic cigarettes. And it was Marcos Jr. who allowed this bill to lapse into law.
Arnel:
Damn! He thinks and acts like he’s above the law!
tuphe:
Lawmakers and government official are the #1 violators; that’s many follow their lead
Papi:
Dear @OmbudsmanPh and @cscphmedia, ano pong aksyon nyo dito?
xpectator:
Pag nsa govt premises bawal sa civil servant. Anu Kaya say ng csc baka exempt sya kc appointed ng pres
Josephine:
Abusado.. may regalo sa boss nia.. ang Philhealth contributions natin.
Uno:
Bakit nyo sinuplong? Baka taasan nya ang tax natin?!
PAUL:
Walang may bayag to point it out to recto during the meeting?
Ed:
Bulag, Pipi at Bingi ang ating DOF Secretary Recto. Sa maikling salita – ABUSADO.
lucas:
Sandamakmak na batas ng Pilipinas mga wala namang pangil karamihan pa ng mga poloticians mga Lawmakers and Lawbreakers.
Rare:
Feeling Above The Law ang arroganteng ito na walang ginawa kundi sipsipin ang perang pinaghihirapan ng mamamayan. Bastos, walang respeto sa mga opisyales ng gobyerno na kausap nya.
Maging ang health advocate na si Doc Tony Leachon ay hindi napigilang makisawsaw sa isyu. Nire-post niya ang litrato ng kalihim na sinamahan ng ganitong komento:
“@dofgovph Sec. Recto vaping inside government premises!
It’s about time that he unveils himself whether he’s pro health or pro tobacco industry or pro vaping industry. He resigned in 2012 as senate chair of ways and means committee and opposed the sin tax law.
Remember the 90 billion diversion to unprogrammed appropriations ? He is mainly responsible for this huge mess.
Look : Here is your DOF Secretary so rude…Vapingthe whole time indoors and in a government office.”
