GINEBRA’S BROWNLEE GIGISAHIN SA KONGRESO

HAHARAP ngayong araw (Miyerkoles) sa Mababang Kapulungan si Barangay Ginebra resident import Justin Brownlee kaugnay sa kanyang naturalization process.

Target mapasama si Brownlee sa Gilas Pilipinas para sa ­February window ng FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers, ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios sa ginanap na PSA Forum kahapon sa ground floor ng PSC building sa Rizal Memorial Sports Complex.

Noong 2017 pa nagpahayag ng interes ang 34-anyos na si Brownlee mula Tifton, Georgia para maging naturalized player, bilang pasasalamat niya sa PBA at kanyang koponang Ginebra sa oportunidad na ibinigay sa kanyang makalaro sa Pilipinas.

Inamin ni Brownlee noong Oktubre na may pagkukulang din siya sa pagkakaantala ng proseso dahil hindi siya nakapagbigay ng kaukulang papeles.

Samantala, inihayag ni ­Barrios na gaganapin ang 2023 FIBA Asian qualifiers sixth window sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Makakasagupa ng Gilas sa home games ang Lebanon sa Pebrero 24 at 27 kontra Jordan. (VT ROMANO)

31

Related posts

Leave a Comment