ISA NA LANG, BEERMEN, KAMPEON NA

mc44

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor)

IDINIKIT ni Chris McCullough ang San Miguel Beermen sa ikalawang PBA championship ngayong season.

Ito’y matapos muling magpamalas ng mahusay na performance, 35 points at 22 rebounds sa panalo ng Beermen kontra TNT KaTropa, 99-94 sa Game Five kagabi ng Commissioner’s Cup sa Big Dome.

Si McCullough ang trumabaho sa bandang huli, habang ang karibal na si Terrence Jones ay panay ang sablay, kung saan hinirit niya ang apat sa anim na puntos ng SMB para kunin ang panalo.

Umiskor si McCullough mula sa layup laban kay Jones para sa 95-94 lead ng Beermen, nagdagdag pa ng dalawang free throws sa huling 13.3 seconds at binigo ang three-point attempt ni Troy Rosario para tapusin ang laro.

Bunga nito, angat na ang San Miguel sa best-of-seven series, 3-2, at posibleng tapusin na nila ang laban sa Game 6 sa Biyernes.

85

Related posts

Leave a Comment