(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor/PHOTO BY MJ ROMERO)
NAGTALA ang Ateneo Lady Eagles ng 4-set win sa pangunguna ni rookie Faith Nisperos laban sa Colegio de San Juan de Letran Lady Knights, 25-16, 22-25, 25-13, 25-20, sa kanilang debut sa 2019 PVL Collegiate Conference, Sabado sa FilOil Flying V Centre.
Habang ang Adamson University Lady Falcons, na binubuo ng mga batang manlalaro, ay nanaig laban sa sa San Beda Lady Red Spikers sa straight sets, 25-18, 25-22, 25-16.
Si Nisperos ay nagsumite ng 19 points mula sa 17 attacks at two aces.
Buhat sa 13-14 deficit sa 4th set, nag-init si Vanie Gandler, sa service area, kung saan apat na aces ang kanyang ibinato tungo sa 6-0 run ng Lady Eagles na nagbigay sa kanila ng 5-point lead.
Umatake si Nisperos nang maghabol ang Lady Knights para ibalik sa kontrol ang Ateneo.
Nag-ambag si Gandler ng 15 points, pito mula sa aces, bukod pa sa 15 excellent digs.
Habang sina Erika Raagas at Julia Samonte ay may tig-11 at 8 points.
Malaking tulong din ang ibinigay ni Dani Ravena sa depensa sa kanyang 23 excellent digs at 10 excellent receptions.
Sunod na kalaban ng Ateneo sa Sabado (Agosto 24) ang San Sebastian Lady Stags.
Nanguna si Trisha Genesis na may 16 points (13 attacks at three aces), para sa Adamson na nagsalang ng 10 rookie players sa laro.
Makakasagupa ng Adamson sa Linggo (Agosto 25) ang San Beda.
146