MAGNOLIA SINAGIP NI ABUEVA

INILIGTAS ni Calvin ‘The Beast’ Abueva ang Magnolia laban sa NorthPort sa kanyang game-winning turnaround shot, 90-89, kahapon sa pagpapatuloy ng 2021 PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.

Mayroong ­nalalabing 2.6 segundo na lang sa laro nang mula sa inbound ni Rome Dela Rosa ay nakuha ni ­Abueva ang bola at isinyut ito sa kabila ng mahigpit na depensa ng NorthPort.

Nanguna para sa Hotshots si Ian ­Sangalang sa kinamadang 26 points at 10 boards.

Nagdagdag naman si The Beast ng 15 points kasama ang winning basket, five rebounds at four assists.

Top scorer para sa Bat­ang Pier si Greg Slaughter na may 21 points off of the bench, habang nag-ambag ng 16 points si Sean Anthony.

Nag-imprub ang Magnolia sa 7-3 win-loss, samantalang dumausdos sa 4-5 kartada ang NorthPort.

Related posts

Leave a Comment