(NI JEAN MALANUM)
MABIBINYAGAN ang papatapos nang Aquatics Center sa loob ng New Clark City Sports Complex sa pagdaraos ng National Open sa Agosto 31 hanggang Setyembre 2.
Ito ang magsisilbing final qualifying event ng mga Pinoy swimmer na sasabak sa 30th SEA Games, kung saan umaasa ang Pilipinas hahakot ng medalya ang mga pambato rito.
Ayon kay Philippine Swimming, Inc. (PSI) president Lailani Velasco, kasalukuyang abala ang mga atleta sa training para masiguro na maganda ang magiging performance nila sa harap ng mga kababayan.
“Malaki ang expectation sa mga swimmers natin kaya todo ensayo sila,” sabi ni Velasco.
“Our swimmers have been competing in various tournaments abroad to improve their times and they are looking forward to competing in the SEA Games,” pahayag ni Velasco.
Ang resulta ng National Open ang pagbabatayan sa pagpili ng mga sasabak sa SEA Games.
“The National Open will serve as the final tryouts for our athletes. We want the best to represent the country in the SEA Games,” dagdag ni Velasco.
Ang 30th SEA Games ay isa sa mga qualifying tournaments para sa 2020 Tokyo Olympics kaya inaasahan na matinding challenge ang haharapin ng ating swimmers.
“We are thankful that FINA (International Swimming Federation) has approved that the SEA Games is one of the qualifying tournaments for the 2020 Tokyo Olympics. I know that our athletes will do their best to win medals for the country and hopefully, we will also have more Filipinos earning Olympic berths,” paliwanag ni Velasco.
260