PUGANTENG TAIWANESE ARESTADO SA CRUISE SHIP

ARESTADO ang isang Taiwanese national at dating mamamayan ng Estados Unidos, matapos maharang sakay ng MV Star Navigator, habang naglalayag mula Kaohsiung, Taiwan papuntang Pilipinas.

Kinilala ang naaresto na si Tsai Chin Hao, 54, may Interpol alert at may nakabinbing warrant of arrest sa Estados Unidos, dahilan upang ituring siyang pugante sa batas.

Matapos kumpirmahin ng BI INTERPOL Unit, isang walong-kataong team ng immigration officers mula sa BI Bay Service Section, ang nagsagawa ng boarding at immigration formalities sa MV Star Navigator na na-detect nila ang pagpasok sa teritoryo ng Pilipinas, at agad nakipag-ugnayan sa mga kaukulang yunit.

Sa tulong ng National Bureau of Investigation (NBI), itinurn-over ng boarding officers ang pasahero sa BI Fugitive Search Unit (FSU) pagdating ng barko sa Port of Currimao sa Ilocos Norte.

Isasagawa na ng BI ang proseso ng deportation alinsunod sa beripikadong Interpol alert at umiiral na batas sa imigrasyon.

(JOCELYN DOMENDEN)

26

Related posts

Leave a Comment