‘TRILLION PESO MARCH’ PINAGHAHANDAAN NG PNP, AFP

KAPWA pinaghahandaan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang ikinakasang Bonifacio Day “Trillion Peso March” sa darating na Nobyembre 30, dahil inaasahang mas malaking grupo umano ang posibleng dumagsa kumpara sa nakaraang September 21 rally, sa layuning masiguro ang kaayusan, kapayapaan at kaligtasan ng mga lalahok.

Hiniling ng pamunuan ng PNP at maging ng AFP, sa rally organizers na bantayan ang kanilang hanay para masiguro ang disiplina at walang karahasang magmumula sa mga makikilahok.

Sinabi ni AFP spokesperson, Colonel Francel Margareth Padilla. “We are asking rally organizers to police their ranks because public safety is a shared responsibility. Ang kapayapaan po at kaayusan ng anomang pagtitipon ay nakasalalay din sa malinaw at responsable nilang pamumuno.”

“We trust them to uphold discipline so the event remains peaceful and lawful. We call on our rally organizers to police your ranks and ensure that participants remain disciplined and non-violent.”

“Ang layunin po natin ay simple—peaceful gathering where voices can be heard without putting anyone at risk,” dagdag pa ni Col. Padilla sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Aguinaldo nitong Martes.

Samantala, tiniyak naman ng PNP na nakahanda silang mag-deploy ng sapat na mga tauhan sa mga lugar na pagdarausan ng mga kilos-protesta para masiguro ang peace and order sa panahong isinasagawa ang kanilang pagpapahayag,

Inihayag naman ng AFP na nakahanda silang ayudahan ang mga pulis at iba pang government security agencies, na siyang lead agency kaugnay sa peace and order.

Nasa kamay rin naman umano ng mga rally organizer ang pagsiguro na magiging matiwasay ang kanilang mga pagkilos kung sila mismo ang magbabantay sa kanilang hanay.

“We trust the organizers and leaders of these gatherings to guide their members responsibly, observe the rule of law and we call on everyone to stand united in compassion and bayanihan,” sabi pa ng tagapagsalita ng military.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa isyu na may foreign funding ang mga grupong nagsagawa ng nakaraang pagkilos sa People Power Monument sa Quezon City na kinaaaniban ng retiradong military officers.

(JESSE RUIZ)

32

Related posts

Leave a Comment