PBA LEGENDS FACEOFF: BEERMEN WINALIS ANG ELIMS

ginebra

(NI JOSEPH BONIFACIO)

WINALIS ng San Miguel ang elimination round matapos talunin ang Ginebra, habang nanaig ang Alaska para panatilihing kulelat ang Purefoods sa pagpapautloy ng UNTV Cup PBA Legends Faceoff tournament kamakalawa sa Pasig Sports Center.

Nilampaso ng Beermen ang Gin Kings, 135-107, habang denomina ng Milkmen ang Hotdogs, 92-70, para tumapos na first at second place sa charity tournament.

Bumida para sa SMB ang 1990 MVP na si Allan Caidic matapos magliyab sa siyam na tres tungo sa 32 puntos.

Sa unang pagkakataon naman ay naglaro na si Danny Seigle para sa Beermen na nagtala ng 14 puntos para suportahan si Caidic.

Solido rin ang 18 at 17 puntos na ambag nina Kiko Adriano at Chris Calaguio sa San Miguel, gayundin ang 13 at 12 puntos nina Nic Belasco at Danny Ildefonso, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Ang Beermen, na nagwagi kontra Purefoods (88-68) at Alaska (76-61), nakuha nito ang 3-0 win-loss card.

Tanging si Vince Hizon lang na may 41 puntos ang nakapagpasiklab para sa Ginebra na nagkasya sa ikatlong puwesto hawak ang 1-2 kartada.

Nasiguro naman ng Milkmen ang no.2 spot sa pangunguna ni Johnny Abarriento sa kanilang 92-70 tagumpay kontra Hotdogs.

Sumuporta kay Abarrientos sina Bong Hawkins, Willie Miller at Jeff Cariaso na may tig-15, 14 at 13 puntos.

Ang Alaska ay 2-1, habang 0-3 ang Purefoods.

103

Related posts

Leave a Comment