SALUDAR KAMPEON PA RIN

saludar

NAPANATILI ni Vic Saludar ang kanyang World Boxing Organization mininumweight crown matapos talunin si Japanese challenger Masataka Taniguchi via unanimous decision sa Korakuen Hall sa Tokyo.

Tinapos rin ni Saludar ang dominasyon ni Taniguchi sa mga Filipino boxers. Anim na Pinoy ang tinalo ng Japanese boxer bago ang laban kay Saludar.

Ginamit ni Saludar ang kanyang jabs at overall ring generalship upang makumbinsi ang mga hurado at ibigay ang panalo sa kanyang unang title defense ng 105-pound crown.

Si Saludar, 6-time national amateur champion, ay nabigo muna sa kanyang unang sabak sa world crown noong 2015 kung saan knockout siya sa 6th round sa kamay ni Kosei Tanaka ng Japan.

Ito ang ika-19 na panalo ni Saludar sa 22 fights at 10 ang knockouts, habang nalaglag naman si Taniguchi sa 11-3 win-loss (7 KOs).

91

Related posts

Leave a Comment