SAN BEDA RED LIONS ‘DI NAAWAT; PERFECT 10!

(PHOTO BY MJ ROMERO)

HINDI nagpaawat ang defending three-time champion San Beda at sinungkit ang ikasampung sunod na panalo, matapos balyahin sa ika-22 sunod na pagkakataon ang Emilio Aguinaldo College, 98-66 kahapon sa NCAA Season 95 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre.

Dahil sa panalo, ang San Beda ay 10-0 na sa ongoing tournament.

“Even though we’re number one, I’m happy with what I’m seeing with my boys. They are coming in early and taking their shots. Hopefully, we could sustain this but it’s still a long way to go for us,” komento ni San Beda head coach Boyet Fernandez.

Kung medyo dikit ang huling panalo laban sa Generals noong Hulyo 18, 89-72, sa pagkakataong ito’y tila nakawala sa koral ang Red Lions.

Matapos ang dikitang first quarter, ang defending champions ay nagsimulang umatake at layuan ang EAC tungo sa 38-point lead, 54-23.

“Our main objective is to make it to the top two right away so that we’ll have twice to beat in the semis,” ani Ferandez.

Pinangunahan ni Evan Nelle ang San Beda, nag-ambag ng 13 points at 11 assists. Habang sina Donald Tankoua at Clint Doliguez ay nagdagdag ng tig-13 points at pinagsamang 15 rebounds.

Sa huling 4:54 sa fourth period, lumobo pa sa 41 points ang kalamangan ng San beda sa EAC, 89-48.

Nagpaulan din ang San Beda ng 15 three point shots.

Si leading MVP candidate Calvin Oftana ay nag-ambag din ng 12 points at eight rebounds sa 13 minutong pagsalang.

Ito naman ang ikasiyam na sunod na kabiguan ng EAC (1-9), na pinangunahan ni Marwin Taywan na may 19 points, habang si JP Maguliano ay nagdagdag ng 17 points at seven rebounds.

Ang iskor:

SBU 98 – Nelle 13, Tankoua 13, Doliguez 13, Soberano 12, Oftana 12, Canlas 9, Alfaro 8, Bahio 7, Etrata 3, Carino 3, Cuntapay 2, Noah 1, Obenza 1, Visser 1, Abuda 0

EAC 66 – Taywan 19, Maguliano 17, Luciano 7, De Guzman 5, Cadua 3, Mandoza 3, Carlos 3, Martin 3, Estacio 2, Gurtiza 2, Dayrit 2, Corilla 0, Boffa 0, Gonzales 0

Quarterscores: 16-14, 54-23, 75-42, 98-66.

141

Related posts

Leave a Comment