WALA PA RING TATALO SA PHL BLU GIRLS

(NI VT ROMANO)

HINABLOT ng Philippine Blu Girls ang ika-10 sunod nitong SEA Games gold medal, matapos blangkuhin ang Indonesia, 8-0, sa finals ng women’s softball ng 30th biennial meet sa The Villages sa Clark, Pampanga kahapon.

Hindi binigyan ng pagkakataon ng Pinay batters ang kalaban, nang agad umiskor ng five runs sa second inning pa lang.

At umiskor pa ng tatlo sa huling dalawang innings.

Ang Pilipinas ay winalis rin ang apat na preliminary match nito, na tinampukan ng 11-0 pagbokya sa huling laro kontra Thailand.

Binlangko ng Blu Girls ang Malaysia, 12-0 sa page system playoff, kung saan ang Indonesia ay tinalo naman ang Malaysia, 5-1 para umabante sa championship game.

BLU BOYS HINUBARAN NG SINGAPORE

BIGO ang Philippine Blu Boys na maidepensa ang kanilang titulo na 22 taong nilang iningatan, matapos makalasap ng 6-1 loss sa kamay ng Singapore sa finals ng men’s softball.

Ang huling pagkakataong natalo ang Pilipinas sa SEA Games gold medal match ay noon pang 1997 laban sa host Indonesia.

Ito naman ang unang gold medal ng Singapore sa nasabing event.

89

Related posts

Leave a Comment