SSS NAGHAHANAP NG ‘GENEROUS’ PARTNERS

NANAWAGAN ang Social Security System (SSS) sa mga indibidwal at grupo na may magandang-kalooban na i-subsidiya ang buwanang kontribusyon ng piling miyembro kabilang na iyong nasa informal sector, manggagawang nasa job order category, at overseas Filipino workers (OFWs).

Sinabi ng ahensiya na kumakatok sila at hinihikayat ang mga “generous” potential partner na i-subsidiya ang contribution payments ng mapipiling miyembro sa loob ng anim na buwan.

Maaaring makasama rito ang mga ahensya ng pamahalaan na maaaring i-subsidiya ang kontribusyon ng job order workers dahil hindi sakop ang mga ito ng Government Service Insurance System (GSIS).

Kabilang din sa prospective partners iyong nasa private institutions o multinational firms na maaaring balikatin o pasanin ang kontribusyon ng self-employed informal sector workers o land-based OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

“Subsidizing their SSS contributions is the greatest gift that we can give to a fellow Filipino,” ayon kay President and Chief Executive Officer Michael Regino. (CHRISTIAN DALE)

166

Related posts

Leave a Comment