Suspek napatay ng pulis MAG-INA PATAY SA BIGONG RAPE

patay

ANTIPOLO CITY – Natagpuang patay at tadtad ng saksak ang isang mag-ina makaraan umanong tangkang gahasain ng isang lalaki na napatay ng mga pulis nang mang-agaw ng baril sa lungsod na ito.

Kinilala ni P/Lt. Dominic Blaza, PCP-2 commander, ang mag-inang biktima na sina Anabela Tacuycuy, 59, at Ana Lezel Bellena, 19, mga residente ng Sitio Kaysakat III, Brgy. San Jose sa lungsod na ito.

Habang napatay naman ng mga pulis ang suspek na si Ramcy Nerves y Gallego, 49, land caretaker, nakatira rin sa Sitio Kaysakat III, Brgy. San Jose.

Ayon sa naantalang ulat ng pulisya, dakong alas-5:00 ng umaga noong Mayo 30 nang mangyari ang krimen sa bahay ng mga biktima.

Nabatid sa pulisya, matagal nang manliligaw ng ina ni Lezel ang suspek at nitong Lunes ay sapilitan nitong pinasok ang bahay ng mga biktima para umano makipagtalik ngunit nanlaban si Anabela at tumulong ang anak. Bunsod nito, pinagsasaksak ng suspek ang mga biktima.

Ayon pa kay P/Lt. Blaza, gumagamit umano ng ilegal na droga ang suspek batay sa nakuhang shabu paraphernalia at narekober din ang kutsilyo na ginamit sa krimen.

Sa follow-up operation ng mga awtoridad, sinundan nila ang mga patak ng dugo na humantong sa bahay ng suspek sa hindi kalayuan.

Ngunit habang iniimbestigahan sa PCP-2 Police Station sa Cogeo, Antipolo ang suspek ay bigla umano itong nang-agaw ng baril kaya nabaril at napatay ng mga pulis. (ENOCK ECHAGUE)

131

Related posts

Leave a Comment