‘BOSES NG BAYAN’ SURVEY NG TOP GOV’T OFFICIALS — RPMD

NANGUNA si Pres. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang highest-rated national official sa pinakabagong ‘Boses ng Bayan’ nationwide survey ng RPMD Foundation Inc. na inilabas ngayong araw, habang nakitaan naman ng paghina sa approval ratings si Vice President Sara Duterte kasabay ng umiinit na kontrobersiya at impeachment-related issues laban sa kanya.

Isinagawa ang survey noong Abril 1-8, 2026 gamit ang 5,000 randomly selected respondents mula sa iba’t ibang socioeconomic classes sa buong bansa. May margin of error itong ±1% sa 95% confidence level. Ginamit sa survey ang “Index of Governance” o IOG, na pinagsamang trust at approval ratings ng mga opisyal.

Nakakuha si Pres. Marcos ng pinakamataas na 57% IOG score, kalakip ang 56% trust at 58% approval ratings — pinakamataas sa lahat ng top government officials na isinama sa survey. Ayon as RPMD, pinakamalakas pa rin ang suporta kay Marcos sa Balance of Luzon na may 58%, habang lumalakas din umano ang kanyang bilang sa Mindanao.

Si VP Duterte naman ay nagtala ng 54% IOG score, may 57% trust nugget 51% approval ratings lamang — pinakamababa sa mga pangunahing opisyal ng gobyerno. Gayunman, nananatiling malakas ang kanyang base sa Mindanao na nasa 60%. Sa Visayas, hati ang opinyon ng mga botante ngunit bahagyang pabor umano kay Marcos.

Ipinakita rin ng survey na sa Class E ay hati ang suporta kina Marcos at Duterte ngunit may bahagyang lamang ang Bise Presidente. Sa Class D o pinakamalaking voting bloc ng bansa, halos tabla ang dalawa, habang mas maraming nasa ABC classes ang pumapabor kay Marcos.

“This is the political mood of Filipinos now,” ani Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD at Global Affairs Analyst. Aniya, mas nagiging mapanuri at mas politically engaged na ngayon ang mga Pilipino.

63

Related posts

Leave a Comment