CHINESE WORKERS DAPAT MAGBAYAD NG BUWIS – RECTO

chinese123

(NI ESTONG REYES) INIHAYAG ni Senate President Protempore Ralph Recto  na suportado ng Senado ang plano ng pamahalaan na tugisin ang libu-libong Chinese workers na hindi nagbabayad ng buwis. Sa pahayag, sinabi ni Recto na dapat walang “great wall” na magbibigay proteksiyon  sa mga Chinese workers sa pagbabayad ng income tax na kinita dito sa Pilipinas. Aniya, kailangan ang ultimatum ng finance department sa Chinese employees at employers sa sundin ang batas sa pagbubuwis ng bansa na isang tamang pamamaraan upang maitaas ang kita dahil kailangan munang mangolekta ang pamahalaan…

Read More

IMPRENTA NG PEKENG TAX STAMPS SINALAKAY

nbi bir12

(NI GUILLERMO OCTAVIO) AABOT sa P245 milyon ang nawawala sa kaban ng pamahalaan kada taon dahil sa mga huwad na tax stamps na ginagawa ng isang imprentang sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa lungsod ng Malabon. Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, ang naturang halaga ay batay sa presyo ng tax stamp na  P35 bawat isa, walong oras kada araw at limang araw kada linggong operasyon ng nasabing imprenta. Bukod sa pekeng tax stamps ay gumagagawa rin ng mga huwad na labels…

Read More

BUWIS NG MGA SCAMMER SA PHILHEALTH PINABUBUSISI

philhealth

(NI BERNARD TAGUINOD) IPINABUBUSISI ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang binabayarang  buwis ang mga scammer sa Philhealth dahil malamang ay nandaraya rin umano ang mga ito. Ginawa ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang direktiba sa BIR matapos mabunyag ang  anomalya sa paniningil ng WellMed Dialysis Center ng bayad sa Dialysis sa Philhealth kahit patay na ang kanilang pasyenate. “Those scamming Philhealth are easily 10 times more likely to be cheating on their taxes as well,”  ani Pimentel dating chair ng House good government…

Read More

BALITANG P1.2-B KINITA NI MAINE, PEKE –MANAGER

(NI ROMMEL GONZALES) HAPPY si Rams David na balik-Pilipinas mula sa Japan ang alaga niyang si Taki Saito na isa sa mga cast members ng Banal na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na palabas sa mga sinehan ngayon. Samantala, nilinaw ni Rams ang fake news na mahigit isang bilyong piso na (P1.2B) ang kabuuang kinita ng alaga niyang si Maine Mendoza sa showbiz! “Wala namang makapaglabas ng figures, nobody can come up with the figures. Not even BIR. Ang ginagawa ng BIR nagra-rank sila, pero they will not…

Read More

7 KOMPANYA, 3 INDIBIDWAL KINASUHAN NG TAX EVASION

bir18

(NI ALAIN AJERO) KINASUHAN ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR)-Caloocan City sa Department of Justice ang tatlong indibidwal at pitong korporasyon dahil sa hindi pagbabayad ng buwis mula 2011 hanggang 2015 na aabot sa P755 milyon. Ang tatlong mga inireklamong indibidwal ay sina Manuel Espiritu, Armando David Lagamson at Ma. Reztiliza N. Sosa samantalang ang pitong korporasyon ay ang Taoyuan Textile Manufacturing Corp., Primekit MFG. Corp., Spinmaster Textile Manufacturing Corp., Bicol Apparel Corp., Nature’s Best Agri Foods Corp., Amhran Trading Corp., at Innovative Technology & Environmental Solution.…

Read More

2 KOMPANYA SA TAGUIG, IDINIIN SA P14-M TAX EVASION CASES

bir1

(NI NELSON S. BADILLA) TINIYAK ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na madidiin sa kasong tax evasion ang dalawang malalaking kompanya sa Lungsod ng Taguig dahil hindi pagbabayad ng P14 milyong buwis sa ahensiya. Kinasuhan ng BIR Ecosolutions Engineers, Project Managers and Sustainability Consultants (Ecosolutions) at Glazetech Glass Aluminum Installation, Inc. (Glazetech) sa Department of Justice (DOJ) makaraang mapatunayan ng mga imbestigador ng BIR na ang dalawang kompanya ay hindi nagpabayad ng P14 milyong buwis. Idiniin ng BIR na ang hindi pagbabayad ng P5,676,306.34  buwis para sa taong 2017. Samantalang,…

Read More

BIR MAY ATRASO PA SA TEACHERS NA ELECTION INSPECTORS

bir22

(NI BERNARD TAGUINOD) ISANG taon na ang atraso ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga public school teachers na nagsilbi bilang Board of Election Inspectors (BEI) noong barangay election 2018 dahil hindi pa naire-refund ng ahensya sa mga ito ang kinaltas na buwis sa kanilang kompensasyon sa pagsisilbi sa nasabing halalan. Ito ang isiniwalat ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na kinatawan ni Rep. Antonio Tinio at France Castro sa Kongreso, na nangangambang muling bubuwisan ang matatanggap na compensation ng mga public school teachers na magsisilbi sa halalan sa…

Read More

P2–B BUWIS ‘DI BINABAYARAN NG GAMBLING OPERATORS

bir1

(NI NELSON S. BADILLA) KINUMPIRMA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagsasagawa ito ng imbestigasyon upang alamin kung sinu-sino sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang kasama sa hindi nagbabayad ng buwis sa pamahalaan. Sa impormasyong nabatid ng BIR mula sa Department of Finance (DOF), umaabot sa P2 bilyon ang hindi nababayarang buwis ng POGOs. Samantalang sa rekord ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), hindi maipagkakailang palaki nang palaki ang kita ng POGOs: P657 milyon noong 2016; P3.924 bilyon noong 2017; at P7.365 bilyon nitong 2018. Kaya, nagtataka…

Read More

NEGOSYANTE NG PEKENG SIGARILYO ‘SWAK’ SA P3.4-B TAX EVASION

bir18

Ni NELSON S. BADILLA SINAMPAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong tax evasion sa Department of Justice (DOJ) ang isang negosyanteng nakabase sa Pangasinan dahil sa hindi pagbabayad ng P3.4 bilyong excise tax mula sa pagnenegosyo ng pekeng sigarilyo simula noong 2013. Isinampa ang kaso laban kay Danilo Calugay makaraang madiskubre ng BIR na ang kanyang negosyong pagawaan ng mga pekeng sigarilyo sa Bugallon at Magaldan (parehong mga bayan sa Pangasinan) ay “hindi rehistrado,  hindi nagpasa ng excise tax returns [sa BIR], pagkakaroon ng mga artikulong kailangang bayaran…

Read More