‘SORRY NOT SORRY’

panelo32

(NI CHRISTIAN  DALE) HINDI  tatanggapin ng Pilipinas kung mag-aapologize lang ang China sakali’t mapatunayan na sinadya ang Recto Bank incident dahilan upang lumubog sa dagat ang sasakyang pandagat sakay ang  22 Pinoy na mangingisda. “Hindi naman  basta iyong mag-aapologize lang kayo sa amin,” ayon kay Panelo. Sinabi ni Panelo na bagama’t napakadali ng isyu dahil aalamin lang naman kung aksidente ba o sinadya ang insidente sa Recto Bank, aalamin din kung sino ang dapat na managot kung hindi aksidente at ang pangatlo aniya ay ang kasagutan kung bakit iniwan ang nakabanggaan. “Ano ngayon…

Read More

BANTA NI DU30 SA PAPATOL SA IMPEACHMENT: KULONG KAYO!

duterte44

(NI BETH JULIAN) “SUBUKAN n’yo, ipakukulong ko kayong lahat! Ito ang matapang na hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko na nagbabantang maghahain ng impeachment complaint laban sa kanya bunsod ng pagpayag niya na makapangisda ang mga Tsino sa Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea. Ayon sa Pangulo, hindi niya aatrasan ang mga kritiko niyang gustong magpa-impeach sa kanya. “Impeach ako? Kulungin ko sila lahat,” wika ng Pangulo. Sinabi ng Pangulo na tiyak na may kalalagyan ang mga maglalakas-loob na maghain ng reklamo laban sa kanya.…

Read More

PDU30, Xi MAY KASUNDUAN SA WPS ISSUE – PALASYO

duterte12

(NI BETH JULIAN) MAYROON nang kasunduang pinasok si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa isyu ng West Philippine Sea. Ayon sa Pangulo, nag-usap na sila ni Xi na magbigayan sa karagatan at ito ang dahilan kaya pinapayagan niya ang mga Tsino na makapangisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ). Dahil dito, sinabi ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na kung hindi ipagtatanggol ng Pangulo ang EEZ tulad ng nakasaad sa Saligang Batas ay maaari siyang maharap sa impeachment. Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na…

Read More

PANGINGISDA NG CHINA SA EEZ NILINAW NI PANELO

panelo12

(NI BETH JULIAN) MAY bagong paglilinaw ang Malacanang kaugnay sa pahayag nito sa pangingisda ng mga Tsino sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. Sa pahayag ni Presidential spokesperson  Salvador Panelo, matapos niyang panoorin ang interview ni Pangulong Rodrigo Duterte at basahin ang transcript nito, lumalabas na ang ibig sabihin nito ay hindi papayagan ng China na mangisda ang kanilang mga mamamayan sa EEZ sa Pilipinas dahil itinuturing nila ang mga Filipino na kaibigan. Sinabi pa ni Panelo na alam din ng China na kapag ito ay nangyari, magdudulot lang…

Read More

DU30 ‘GO SIGNAL’ SA CHINA SA EZZ INUPAKAN SA KAMARA

ezz331

(NI BERNARD TAGUINOD) “PAGTRAYDOR na iyan sa bayan.” Ito ang reaksyon ng ilang mambabatas sa Kamara matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi  niya ipagbabawal ang pangingisda ng mga Chinese sa Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas dahil hindi umano papayag ang China na isang kaibigan. Ayon kina Akbayan party-list Rep. Tom Villarin at Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, kulang na lamang na aminin ni Duterte na naibenta na ang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea dahil imbes na idepensa ang soberenya ay pinapayagan nito ang China na mangisda…

Read More

P500-K DONASYON NI DEL ROSARIO IPINASASAULI NI LOCSIN

dfa12

(NI ROSE PULGAR) IPINASASAULI ni Foreign Affairs (DFA) Secretary  Teodoro Locsin Jr. ang P500,000 donasyon ni dating Foreign Affairs secretary Albert Del Rosario para sa 22 mangingisdang Pilipino na binangga ng isang Chinese vessel sa Recto bank. Sa kanyang twitter account, sinabi ni Locsin na lubos siyang nagpapasalamat sa ibinigay na donasyon ng dating kalihim Del Rosario ngunit kailangan nilang isauli ang P500,000 dahil wala naman karapatan ang ahensya na gamitin ang nasabing donasyon. Sinabi ni Locsin na kung tatanggapin nila ang donasyon ay mapipilitan silang i-turn over ito sa…

Read More

PANGIL NG CHINESE GOV’T IPINAKITA SA ANTI-CHINESE NA PINOY

del rosario 43

(NI DAVE MEDINA) TAHASAN na ang ginagawang pagpapakita ng panggigipit ng Chinese government sa mga taong kumokontra sa kanila nang kahapon ay hindi papasukin ng HongKong Immigration si dating  Department of Foreign Affairs secretary Albert Del Rosario. Umabot ng halos anim na oras si Del Rosario, kritiko ng China sa pang-aagaw nito sa West Philippine Sea at panggigipit sa mga Filipino mangingisda, sa paghihintay sa Immigration counter sa airport sa HongKong na sakop ng China. Matapos ang limang oras na pagpigil sa kanya, pinagsabihan si Del Rosario na hindi na…

Read More

‘CHINA PANALO NA SA RECTO BANK SAGA’

recto bank12

(NI BERNARD TAGUINOD) PANALO na ang China sa usapin ng pagbangga ng kanilang barko sa fishing boat ng mga Filipino sa Recto Bank. Ito ang pananaw ni House committee on national defense Sr. vice chair Ruffy Biazon dahil imbes na ang China ang managot sa responsibilidad sa mga Filipino na binangga ng kanilang fishing vessel at iniwan sa gitna ng laot, ay ang gobyerno ng Pilipinas ang umaako. “If the ending to this saga is for the fishermen to simply get some hand outs from the Philippine government, then it…

Read More

DU30 BUSAL SA BIBIG NG US, CHINA — CPP

us china12

(NI MAC CABREROS) DISMAYADO ang makakaliwang grupo sa tila walang malinaw at konkretong panindigan ang administrasyong Duterte sa June 9 Recto Bank incident. “(President) Duterte has displayed utter spinelessness before China,” diin sa statement ng Information Bureau ng Communist Party of the Phippines. Ayon dito, tila hindi magawa ng Punong Ehekutibo na ipaglaban ang soberenya ng bansa sa West Philippine Sea dahil takot ito na mawala ang mga milyong dolyar na kaloob ng China. Dagdag dito na bukod sa walang karapatang mangisda ang mga Tsino sa lugar na teritoryo ng…

Read More