CHINESE DREDGING SHIP SA BATANGAS PINALAYAS NA

lobo batangas12

(NI DAVE MEDINA) PINAALIS na ng mga ahensya ng pamahalaan sa dagat na sakop ng Lobo, Batangas ang Chinese dredging ship na MV Emerald makaraang kanselahin ng Department of Environment and Natural Resources ang  environmental compliance certificate na inisyu sa dredging ship  MV Emerald na umangkla sa baybaying dagat ng Lobo, Batangas. Dahil dito, bandang alas-7:00 kahapon ng umaga ay pumalaot palayo ang MV Emerald na pansamantalang nag-angkla sa Batangas Pier. Kinansela ng DENR ang dredging operation ng MV Emerald makaraang mabigong  makakuha ng  clearance sa Mines and Geosciences Bureau.…

Read More

DoT TINIYAK NA WALANG LUMOT SA BORACAY

(NI ABBY MENDOZA) TINIYAK ng  Department of Tourism (DoT) na wala nang lumot na makikita sa Boracay taliwas sa kumalat na video sa social media na nagpapakita na may mga lumot sa dalampasigan. Ayon kay Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat sa kanilang monitoring sa isla ay walang lumot sa dalampasigan partikular sa Station 1 kung saan sinasabing kinunan ang kumalat na video footage. Ani Puyat, mula nang buksan ang Boracay noong nakaraang taon matapos ang anim na buwang rehabilitasyon ay wala pa silang lumot na nakita kaya maaaring matagal nang footage…

Read More

DENR NAKAALERTO SA FOREST FIRE

forest12

(NI CHRISTIAN  DALE) NAKA-ALERTO ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa posibilidad ng forest fires sa gitna ng El Niño phenomenon sa bansa. Sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na ipinag-utos na niya sa 16 na executive director ng DENR Regional Offices na magsagawa ng malawakang pagsusuri sa mga gubat upang maiwasan ang wild fires at grass fires. Bukod dito, pinatututukan rin ni Cimatu ang kabundukan at ang ilang mga lugar na sumailalim sa rehabilitasyon ng enhanced national greening program. Magugunitang, bumili ang DENR ng forest fighting equipment…

Read More

OLDEST RESORT SA BORACAY IPINASARA NG DENR

bora22

(NI ABBY MENDOZA) TULUYAN nang ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources(DENR) ang Boracay Plaza Resort sa Boracay Island matapos bigong sumunod sa nauna nang kautusan ng ahensya. Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu ang closure order laban sa nasabing resort ay ang kauna-unahan matapos ang pagbubukas muli ng isla matapos ang isinagawang rehabilitation nong Abril hanggang Oktubre noong nakaraang taon. Ani Cimatu, patuloy na nilalabag ng establisimyento ang road easement law at patuloy na nag-o-operate nang walang kaukulang clearance at permit. Lumilitaw na Abril 2018 pa nang isyuhan…

Read More

TAUHAN NG BFP NAGLINIS SA MANILA BAY

bf16

(PHOTO BY NORMAN ARAGA) MGA bumbero naman ang lumahok ngayong Linggo sa isinasagawang rehabilitasyon ng Manila Bay. Linggo ng umaga ay umaabot sa 175 bombero ang naglinis ng makasaysayang bay. Gamit ang mga pala, binunot ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection-Metro Manila ang mga dahon at basurang nakabara sa drainage ng look na sakop ng Pasay. Tone-toneladang basura na ang nahakot ng mga government workers at volunteers mula nang magsimula ang rehabilitasyon ng Manila Bay at mga kalapit na lugar nitong Enero 27. Nagsimula nang bumuti ang kalidad ng…

Read More

‘BARRIER’ BINAKLAS; PASAWAY MULING NALIGO SA MANILA BAY

manila

MATAPOS bakuran ang baywalk para maiwasang maligo ang mga tao sa nililinis na Manila Bay, muli na namang dinagsa ang makasaysayang look matapos alisin ang barrier ilang araw lamang matapos itong itayo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Dahil dito, muling magkakaroon ng bagong barrier at muli itong ikakabit sa seawall upang matiyak na walang makaliligong publiko sa dagat. Gayunman, maaarin namang tumambay ang publiko sa baywalk para matanaw ang sunset na isa sa mga dinarayo maging ng mga turista sa lugar. Ilang bahagi ng baywalk kung saan…

Read More

‘WALANG RECLAMATION PROJECT SA MANILA BAY’

manila by6

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ) WALA umanong sinuman ang binigyan ng permiso ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para magsagawa ng reklamasyon sa Manila Bay. Ito ang tiniyak ni Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu dahil ang kautusan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ang lahat para maibalik ang ganda ng Manila Bay at ipinatutupad lamang ang mandamus order ng Supreme Court (SC) na isailalim sa rehabilitasyon ang Manila Bay. Gayunman, ibinulgar ni Cimatu na inatasan ni Duterte ang  NEDA na magsagawa ng pag aaral …

Read More

HAMON SA DENR: US EMBASSY ALAMIN KUNG POLLUTER DIN

us1

(NI BERNARD TAGUINOD) HABANG ginagalugad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang ahensya ang mga establisimyento na maaaring dahilan ng pagdumi ng Manila Bay, hindi pa rin ginagalaw ng mga ito ang Embahada ng Estados Unidos. Ito ang dismayadong pahayag ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao kaya hindi masisisi ang marami na isipin na pakitang tao lang ng gobyerno ang Battle of Manila Bay dahil tanging ang mga maliliit kasama na ang mahihirap na komunidad sa Manila ang pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno. Ayon kay Casilao,…

Read More

REHAB NG MANILA BAY SIMULA NA SA LINGGO

manila

(PHOTO BY KIER CRUZ) SISIMULAN na sa Enero 27 ang rehabilitasyon sa Manila Bay na uumpisahan sa sabay-sabay na clean up drive at mangrove planting sa anim na ilog na nakapaligid sa Manila Bay, ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu. Isasahawa ang mangrove planting sa sa Marine Tree Park sa Navotas City,habang magsasagawa naman ng cleanup activities sa Bakawan Warriors sa Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA),cleanup activity naman ang isasagawa sa ilog ng Talaba Dos,Bacoor,Cavite, habang habang maglilinis naman ang DENR sa ilog ng Obando, Bulacan-Obando-Meycauayan River…

Read More