DOH BINALAAN ANG PUBLIKO BANTA NG COVID- 19 ‘DI PA HUMUHUPA

PINALAGAN ni Health Sec. Francisco Duque ang ulat na unti-unti nang humuhupa ang banta ng COVID-19 at nagiging stable na ang sitwasyon sa mundo. Sa Laging Handa press briefing ay sinabi ni Sec Duque na hindi pa sapat ang mga datos at pabago-bago pa ang sitwasyon para sabihing nagiging mabuti na ang lahat. Kasama sa mga tinukoy ni Duque na dapat pang tingnan ang mga kaso at sitwasyon sa lalawigan ng Hubei at iba pang bahagi ng China gayundin sa mahigit 20 pang bansa na nagkaroon ng kaso nito. Maging…

Read More

APELA NG DOH SA PUBLIKO KAUGNAY NG KUMAKALAT NA VIRUS: UMIWAS SA FAKE NEWS

UMAPELA ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasang magpakalat o maniwala sa mga maling balita kaugnay sa novel coronavirus. Kasabay nito ay muling iginiit ng DOH na nananatiling novel coronavirus (2019-nCov) free ang Pilipinas. Ayon sa abiso ng DOH, kahapon ay wala pang kumpirmadong kaso ng naturang virus sa bansa. Kasabay nito, pinag-iingat ng ahensya ang publiko sa lahat ng kanilang mga kinakain, partikular na ang mga tinatawag na “exotic food.” Ang payo ni Health Secretary Francisco Duque III ay sa harap na rin ng mga naglalabasang ulat…

Read More

DOH IGINIIT ANG PAGGAMIT NG FACE MASK

FACE MASK-2

MULING pinaalalahanan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang mga taong may sakit sa baga at respiratory conditions na malapit sa mga lugar na apektado ng ashfall na patuloy na magsuot ng protective masks upang maiwasang lumala ang kanilang kondisyon. Partikular ding tinukoy ni Duque na dapat maprotektahan laban sa ashfall ang matatanda na dumaranas ng bronchitis, pneumonia, asthma at iba pang lung conditions. Habang ipinapayo ang patuloy na pagsusuot ng face mask sa Quezon at Laguna, ang mga nasa Metro Manila ay maari aniyang hindi na…

Read More

PRICE FREEZE PAIIRALIN

duque21

MAGPAPATUPAD ng price freeze ang Department of Health (DoH) sa mga gamot at ilang medical commodities sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal. Nakasaad sa Department Memorandum 2020-005 ni Health Secretary Francisco Duque III na ang hindi pagbabago ng presyo o price freeze sa mga basic essential medicines ay ipatutupad sa mga lugar na lubhang tinamaan ng kalamidad sa Batangas at Cavite. Kasama sa mga hindi magbabago ng presyo ay mga ’emergency medicine’ tulad ng paracetamol, antihistamine, antibiotics at anti-asthma. Kasali rin ang face mask na tumaas…

Read More

PAYO NG DOH SA PUBLIKO KAPAG NAGKAUBUSAN NG MASK: DIAPER, PANTY, BRA GAMITIN

doh

PINAYUHAN ng Department of Health (DoH) ang mga Filipino na maging creative o malikhain sakali at hindi nakabili ng N95 o iba pang face surgical mask na panlaban sa ash falls mula sa Bulkang Taal sa pamamagitan ng ilang gamit na nasa bahay mismo tulad ng bra at diaper. Sa isinagawang press briefing ng Laging Handa team sa New Executive Building (NEB) Malakanyang ay sinabi ni DOH Asec. Maria Francia Laxamana na ang isa pang substitute o pamalit sa N95 mask ay magmistulang ninja. Ang gagawin lamang aniya ay balutin …

Read More

DOH, DEPED, CHED KINALAMPAG LABAN SA HIV CASES 

hiv12

(NI NOEL ABUEL) PINAKIKILOS ng isang senador ang Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), at Commission on Higher Education (CHEd) para palakasin ang mga programa laban sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) kaugnay ng dumaraming bilang ng kaso nito sa bansa. Panawagan ni Senador Win Gatchalian nababahala ito sa dumaraming bilang ng mga Filipinong nagkakasakit ng HIV kung saan sa huling bahagi ng 2019 ay nakapagtala ng 36 na kaso kada araw ang Epidemiology Bureau ng DOH. Ito ay mas mataas aniya sa 35 kasong naitala noong Hulyo 2019…

Read More

34 NA BIKTIMA NG PAPUTOK NAITALA NG DOH

(NI KIKO CUETO) PUMALO na sa 34 ang bilang ng mga sugatan nang dahil sa paputok sa buong bansa, ayon na rin sa tala ng Department of Health (DOH). Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang 34 na kaso ay naitala sa National Capital Region, Ilocos, Cagayan Valley, CALABARZON, at sa Bicol. Wala pa namang namamatay nang dahil sa paputok. Karamihan sa mga naiatalang mga suatan ay dahil sa boga – isang improvised cannon na gawa sa mga PVC pipes. Kasama na rin diyan ang mga lusis at piccolo.…

Read More

DOH UMAPELA SA LIGTAS NA PAGSALUBONG SA BAGONG TAON

HINIMOK ni Health Secretary Francisco Duque III ang publiko na gumamit ng ligtas na pampaingay sa pagsalubong ng Bagong Taon sa halip na gumamit ng mga delikadong paputok kung saan nasa 22 katao na ang nabiktima. “Maaaring gumamit ng ibang pampaingay sa pagsalubong sa Bagong Taon gaya ng torotot, kaldero,” ayon kay Duque sa interview. Sinabi ni Duque na maaaring manood na lamang sa community fireworks sa halip na magpaputok ng mga delikadong firecrackers. “Kung may community fireworks display, maaari na lamang po itong saksihan… O mag-street party na lang,”…

Read More

BIKTIMA NG PAPUTOK NASA 19 NA — DOH

NAITALA ng Department of Health (DOH) ang 19 biktima ng paputok, ilang araw bago matapos ang 2019. Kabilang sa mga naitalang biktima ang mula sa Region 1, 2, CALABARZON, MIMAROPA, 5, 6, 7, 11, 12, at National Capital Region. Tinataya sa edad na 4 hanggang 60 ang mga biktima na pawang mga kalalakihan. Kabilang sa mga biktima ay gumamit ng Boga, Luces, 5-star, Baby Rocket, Bamboo Canon, Fountain, Kalburo, Kwitis, Mini Bomb, Piccolo, Whistle Bomb. Labing-isang biktima ang nagtamo ng sunog sa katawan, pito ay may eye injury at isa…

Read More