P7K BAWAT MAGSASAKANG APEKTADO NG RICE TARIFF LAW ISINUSULONG

(NI BERNARD TAGUINOD) BIBIGYAN ng tig-P7,000 ang mga bawat magsasaka na naapektuhan sa Rice Tariffication and Liberalization Law upang matulungan ang mga itong bumangon matapos malugi sa kanilang ani. Ito ang nakapaloob sa P8.4 Billion supplemental budget na isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pamamagitan ng House Bill 5669 o Conditional Cash Transfer for Farmers na iniakda ni Albay Rep. Joey Salceda. Base sa nasabing panukala, kukunin ang pondo sa isinauli ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa National Treasury na hindi nila nagamit sa mga nagdaang mga panahon…

Read More

P6-B DAGDAG SA 2019 NAT’L BUDGET IGINIIT

(NI NOEL ABUEL) ISINUSULONG sa Senado ang pagdaragdag ng P6 bilyon sa 2019 national budget na gagamitin sa unconditional cash transfer sa mga magsasaka ng bigas sa bansa. Inihain ni Senador Francis Pangilinan  ang Senate Bill 1191 na nagsasaad ng P6 bilyong supplemental budget para sa direct cash transfers sa mga mahihirap na rice farmers na mayroong sinasakang isang ektaryang lupain pababa upang makatugon sa pagbagsak ng presyo ng bigas dahil na rin sa pagdagsa ng mga imported na bigas. Tiwala aniya ito na makalulusot ang panukala nito lalo na…

Read More

P95-B KITA NG MAGSASAKA NAGLAHO SA RICE TARIFF LAW

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGLAHO na parang bula ang tinatayang P95 bilyon kita ng mga magsasaka sa buong bansa dahil sa Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication and Liberalization Law. Ito ang nabatid sa mga militanteng mambabatas na nagpapaimbestiga kung bakit nadedelay ang irrigation projects ng National Irrigation Administration (NIA) at maging umano’y mga depektibo at hindi nagagamit na makinarya na binili ng Department of Agriculture (DA) para tulungan ang mga magsasaka. Sa House Resolution (HR) 539 na iniakda nina Bayan Muna party-list Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia…

Read More

REP. NOGRALES SA 800 RIZAL FARMERS: KABUHAYAN, LUPA TIYAK NA

REP NOGRALES-4

(PFI REPORTORIAL TEAM) HINDI lang pagkakaroon ng lupa ang siniguro ng batambatang mambabatas sa may 800 magsasaka mula sa lalawigan ng Rizal kundi maging ang ayudang pangkabuhayan upang sila’y mapaunlad. Mahigit 800 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa ikalawang distrito ng Rizal ang nakatanggap ng titulo ng kanil-ang sinasakang lupa bukod pa sa naipangakong tulong upang mapaunlad ang sakahan na saklaw ng 737 ektaryang lupaing agrikultural. Sinabi ni 2nd District Rep. Fidel Nograles, hindi magtatapos sa pamamahagi ng lupa bilang pagtupad sa kautusang ni-lalaman ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang tulong…

Read More

PETISYON SA PAGBASURA NG RICE TARIFF LAW IBINIGAY SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD) IBINIGAY ng mga militanteng grupo sa House committee on agriculture ang 50,000 signature na kanilang kinalap upang hiniling na ibasura ang Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law. Sa forum na inorganisa ng Makabayan bloc congressmen, sa pangunguna ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, pormal na ibinigay kay Quezon Rep. Mark Enverga, chair ng nasabing komite, ang nakalap na signature ng kanilang mga kasamahan sa labas ng Kongreso. Tinawag na “Petisyon ng Mamamayan Para Ibasura ang RA 11203” ang signature campaign na pinangunahan ng Bantay Bigas…

Read More

LUPA SA MAGSASAKA IPAMAHAGI NA – IMEE

(NI NOEL ABUEL) IGINIIT ni Senador Imee Marcos na panahon nang tapusin ang sinimulan ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos halos limang dekada na ang nakalilipas na pagkakaloob sa mga magsasaka ng lupang pagtataniman nito. Isinampa ni Marcos ang Senate Bill No. 849, o ang “Emancipation of Tenants Act of 2019,” na naglalayong isulat ang lahat ng hindi bayad na mga pag-amortisasyon, pagbabayad ng interes, parusa o surcharge mula sa mga pautang na na-secure ng mga benepisyaryo ng repormang agraryo (ARBs) sa ilalim ng Comprehensive Agrarian  Reform…

Read More

P80-B LUGI SA MAGSASAKA SA RICE TARIFF

(NI DANG SAMSON-GARCIA) MALAKING halaga na ang nalulugi sa mga magsasaka ng palay sa bansa simula nang ipatupad ang Rice Tariffication Law dahil sa pagdagsa ng mga imported na bigas sa bansa. Sa pagkwenta ni Senador Kiko Pangilinan, sa pagbagsak ng presyo ng palay ng P4 kada kilo, umaabot na sa P80 bilyon ang nawawala sa bulsa ng mga magsasaka. “We produce 20 billion kilos of palay…. Kapag binenta ‘yan ng P21 per kilo, mapupunta yan sa bulsa ng ating magsasaka…. Kapag nagbawas ng piso sa 20 billion kilos, lumalabas…

Read More

MAGSASAKA SAGIPIN – SOLON 

(NI NOEL ABUEL) “HUWAG hintaying patay na ang kabayo, ipatupad na ang mga magsasalba sa mga magsasaka”. Ito ang giit ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan dahil sa umano’y sinasapit na problema ng mga magsasaka sa bansa kung kaya’t naaalarma na ito na posibleng tuluyang malugi ang mga ito. Aniya, base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa loob ng walong taon ay bumagsak ang presyo ng palay sa P15.96. Idinagdag pa nito, ang mas mababa ito sa 1.5  porsiyento noong nakalipas na linggo at 30.1 porsiyento kung ikukumpara noong nakalipas na…

Read More

6 GOV’T AGENCY NA BIBILI NG BIGAS SA FARMERS MINAMADALI  

(NI NOEL ABUEL) MINAMADALI na ng Senado ang pagpasa sa joint resolution na nag-aatas sa anim na ahensya ng pamahalaan at sa mga local government units (LGUs) na tumulong sa magsasaka sa pamamagitan ng pagbili ng bigas. Nakasaad sa Joint Resolution 8 na inoobliga ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of National Defense (DND), Department of Transportation (DOTr), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at LGUs na makipag-ugnayan sa National Food Authority (NFA) upang bumili sa mga local…

Read More