GARIN NAKIPAGBATI KAY ACOSTA SA DENGVAXIA CONTROVERSY

(NI BERNARD TAGUINOD) SA ngalan ng Diwa ng Pasko, nakikipagbati si dating Health secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin kina Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta at  PAO forensic chief Dr. Anthony Efre. Ginawa ni Garin ang pahayag sa press conference ng minority bloc sa Kamara nitong Miyerkoles sa Kamara kasabay ng panawagan sa publiko na maghinay-hinay sa pagkain upang hindi maikompromisyo ang kalusugan ngayong Holiday season at patawarin ang mga kaaway. “For that, please allow me to extend my hands for reconciliation kay Percida Acosta, kay Dr. Efre.…

Read More

DENGVAXIA BINAWI NG FDA; DASAL NA LANG VS DENGUE — SOLON

dengue55

(NI BERNARD TAGUINOD) “DASAL.” Ito ang sagot ni Iloilo Rep. Janette Garin nang tanungin ng Saksi Ngayon kung ano ang mabisang panlaban sa Dengue ngayong binawi na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang lisensya ng dengvaxia. Ayon sa mambabatas, kailangang lakasan pa ng mga magulang ang kanilang dasal na hindi makakagat ng lamok na may dalang dengue virus  ang kanilang mga anak at makaligtas ang mga ito sa tiyak na kamatayan. Lalong kailangang magdasal umano ang mga magulang na may mga anak na nagkadengue na huwag itong magka-dengue muli dahil…

Read More

PONDO NG DoH SA ANTI-DENGUE CAMPAIGN BUBUSISIIN

(NI BERNARD TAGUINOD) BUBUSISIIN ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ginagastos ng Department of Health (DoH) sa kanilang kampanya laban sa dengue kung saan patuloy na dumarami ang nabibiktima. Ito ang siniguro ni House assistant minority leader Janette Garin kung saan kinumpirma nito na namumudmod ng dengue kits kahit nagbabala ito na posibleng pagmulan ito ng korupsyon. “Matagal na (namimigay ng dengue kit ang DoH) since pumutok yung dengvaxia scare. Good to investigate anu-ano ba pinaggastusan ng DoH,” ani Garin dahil sa kabila nito ay dumarami umano ang…

Read More

INSURANCE SA MAGSASAKA, MANGINGISDA SINUSULONG

farmers12

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON na ng insurance ang mga magsasaka at mangingisda sa sandaling maging batas ang isang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa lahat ng mga manggagawa, ang mga ito lamang ang walang maasahan pagtanda nila. Sa House Bill 3601 o Agricultural Pension Fund Act” na iniakda ni AAMBIS-OWA party-list Rep. Sharon Garin, panahon na aniya para magkaroon ng insurance ang lahat ng magsasaka at mangingisda. Ayon sa mambabatas, ang average age ng mga magsasaka ngayon sa bansa ay 57 anyos at palapit na sila sa…

Read More

MAYAYAMANG PINOY OK SA DENGVAXIA VACCINE – GARIN  

garin55

(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS ipagbawal ang paggamit ng dengvaxia sa Pilipinas, maraming Filipinong mayayaman ang nagpapabakuna sa ibang bansa tulad ng Singapore at Malaysia upang maproteksyunan ang mga ito sa dengue. Ito ang isiniwalat ni dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin kaya nanawagan ito sa Department of Health (DOH) na muling ikonsidera ang mga paggamit sa dengvaxia para sa mga mahihirap. “Yung may mga kaya nagpapabakuha sa Singapore, Malaysia. Mayayaman at middle class na Filipino, papaano naman ang mga mahihirap,” ani Garin na patuloy na naninindigan na…

Read More

MAFIA SA PHILHEALTH MATINDI — SOLON

philhealth

(NI BERNARD TAGUINOD) MATINDI na ang ‘mafia’ sa loob ng Philhealth at tanging si Pangulong Rodrigo Duterte na lang ang pag-asa para matapos na ang nakawan sa pondo ng taumbayan at maparusahan ang mga sangkot sa anomalya. Ito ang pahayag ni dating Health secretary at Iloilo Congresswoman-elect  Janette Garin kaugnay ng panibagong anomalya sa Philhealth at pinangangambahang hindi mapaparusahan ang mga nasa likod nito dahil protektado ng mga opisyales ang kanilang mga sarili kapag may katiwalian. Ayon kay Garin, noong pahanon niya sa DoH ay tinangka nilang tapusin ang katiwalian…

Read More

POLITICAL WILL NI DUTERTE KAILANGAN NA SA PHILHEALTH

duterte philhealth21

(NI BERNARD TAGUINOD) TANGING ang political will ni Pangulong Rodrigo Duterte para linisin ang Philhealth nang tuluyan dahil malala na umano ang virus ng katiwalian sa nasabing state insurance fund. Ito ang pahayag ni dating Health Secretary at Iloilo Congresswoman-elect  Janette Garin kaugnay ng panibagong anomalya sa Philhealth at pinangangambahang hindi maparurusahan ang mga nasa likod nito dahil protektado ng mga opisyales ang kanilang mga sarili kapag may katiwalian. “Fraud is a virus with no treatment. No vaccine. We can’t eradicate its habitat but we need to break the cycle.…

Read More

PAGPAPAALIS NG PROV’L BUS TERMINAL SA EDSA NASA SC NA

edsabus12

(NI BERNARD TAGUINOD) PORMAL nang naghain ng petisyon ang isang kongresista sa Korte Suprema upang pigilan ang pagbabawal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga provincial buses sa kabaan ng Edsa. Sa ihinaing “petition for certiorari, prohibition and mandamus with application for Writ of Preliminary,” sa Korte Suprema, nais din ni House minority bloc member Rep. Alfredo Garin Jr., ng Ako Bikol, na maglabas ang korte ng Temporary Restraining Order (TRO) sa plano ng MMDA na ipagbawal ang mga provincial buses sa nasabing lansangan. Ayon sa mambabatas, hindi nagsagawa…

Read More

ANTI-SIPOL LAW ‘DI PA NAPIPIRMAHAN NI DU30

catcalling123

(NI BERNARD TAGUINOD) DALAWANG araw bago matapos ang Buwan ng mga Kababaihan, muling umapela ang isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte na pirmahan na ang panukalang batas na magpaparusa sa mga mambabastos sa mga kababaihan sa lansangan. Umaasa si House deputy speaker Sharon Garin na mapipirmahan na ang nasabing panukalang batas o “Safe Street, Public and Online Space Act, upang makumpleto na ang selebrasyon sa International Women’s Month. “To culminate the celebration of Inernational Women’s Month, we echoed the call for the enactment of the…

Read More