(NI KIKO CUETO) LIMA na ang kumpirmadong patay kasunod ng magnitude 6.3 na lindol na tumama sa bayan ng Tulunan, North Cotabato at kalapit na lugar Miyerkules ng gabi. Sa report, sinabi ng pulis na kabilang sa namatay ang 7-taong gulang na bata na nadaganan ng gumibang pader sa Tulunan. Namatay din ang 2-taong gulang na bata sa Davao del Sur, na nabagsakan ng mga bagay habang natutulog. Kinilala ang biktima na si Cristine Roda. Natabunan naman ng landslide ang bahay sa Barangay Malawanit, Magsaysay. Nailigtas ang isang lalaki at…
Read MoreTag: north cotabato
‘WALANG AIRSTRIKE, SUMABOG NA BOMBA GAWA NG BIFF BOMBER’
NORTH COTABATO – Itinanggi ng Armed Forces na mula sa airstrike ng militar ang bombang sumabog sa isang tahanan na ikinasawi ng isang matanda at ikinasugat ng mister at apo nito, sa Sitio Butilen, Barangay Kabasalan, Pikit, North Cotabato, Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang nasawi na si Misbah Masla, isang senior citizen habang sugatan naman ang mister nito na si Alimuden at ang 10-anyos na apo na lahat ay residente ng nasabing lugar. Sinabi ni AFP Western Mindanao Command spokesperson Major Arvin Encinas na sa loob ng bahay ng…
Read More90-DAY SUSPENSION IPINATAW SA N. COTABATO GOV
(NI ABBY MENDOZA) PINATAWAN ng 90-day suspension ng Sandigabayan si North Cotabato Gov Nancy Catamco dahil sa maanomalyang pagbili ng fertilizer. Sa 7-pahinang resolusyon na ipinalabas ng Sandiganbayan 6th Division inatasan nito ang Department of interior and Local Government(DILG) na ipatupad ng ipinalabas na suspension order at magsumite ng report ukol sa ginawang aksyon sa loob ng 15 araw. Batay sa rekord ng kaso, May 2004 nang makipagsabwatan si Catamco sa mga kapwa akusado na sina Poro Cebu Municipal Mayor Edgar Rama at isang Pompey Perez na kasosyo nito sa…
Read MoreHIGIT SA P800-M NA PINSALA NG EL NINO SA AGRIKULTURA
(NI JG TUMBADO) NASA halos isang bilyong piso na ang pinsala sa agrikultura bunsod ng panahon ng tagtuyot o ang El Nino phenomemon sa bansa. Sa datos na nakalap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa inisyal na pagtataya na P464 Million, ngayon ay pumalo na sa mahigit P864 Million ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng matinding tagtuyot. Apektado ng naturang kalamidad ang MIMAROPA region at region 12. Sa MIMAROPA, mahigit P158 Million ang pinsala sa mga pananim na karamihan ay mga palay at mais,…
Read MoreNORTH COTABATO ISINAILALIM NA SA STATE OF CALAMITY
(NI BONG PAULO/PHOTO BY EDD CASTRO) ISINAILALIM na sa state of calamity ang buong lalawigan ng North Cotabato. Ito ang sinabi ni Vice Governor Shirlyn ‘Neneng’ Macasarte, batay naman sa rekomendasyon ng tanggapan ni Cotabato Governor Emmylou ‘Lala’ Taliño-Mendoza. Ang deklarasyon ay isinagawa sa regular na session ng Sangguniang Panlalawigan nitong Miyerkoles. Napag-alaman na umakyat na sa P670, 840, 281 ang pinsalang naidulot ng matinding tag-tuyot sa probinsiya. Para sa rice damage report, mayroong P362, 999, 674 para sa mais umabot sa P269,071, 035 at sa high value crop ay…
Read MoreP477-M PINSALA SA MATINDING INIT SA NORTH COTABATO
KIDAPAWAN CITY – Bagama’t hindi pa napabilang ang probinsya ng North Cotabato sa tatlong kategorya na dry condition, dry spell at drought ay abot na sa P477 milyong halaga ang inisyal na pinsala sa mga pananim sa iba’t ibang bayan sa lalawigan. Ito ay ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction Management Warning and Action Officer Engr. Arnulfo Villaruz sa panayam ng SAKSI NGAYON. Abot na rin sa 8,500 mga magsasaka ang naapektuhan at hindi pa kabilang dito ang ilang magbubukid sa North Cotabato. Giit pa ni Villaruz, posibleng sa susunod…
Read More‘CLOUD SEEDING’ PANTAPAT NG DA SA EL NIñO
KORONADAL CITY – Minomonitor ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang mga lugar na apektado ng El Niño sa bansa. Sinabi ni Zaldy Boloron, chief of operations ng DA-Regional Office 12, bumuo na ng technical team ang DA para matukoy ang mga palayan sa rehiyon na apektado ng labis na tagtuyot. Sakaling maberipika ang mga apektadong lugar, agad magsasagawa ng cloud seeding upang maibsan ang tagtuyot. Sa ngayon, nanawagan ang opisyal sa mga magsasaka na makipagtulungan din sa DA para maiwasan ang pagkasayang ng mga itatanim na palay ngayong panahon…
Read MoreSEGURIDAD SA IKALAWANG PLEBISITO HINIGPITAN
(NI BONG PAULO) KIDAPAWAN CITY- Tiniyak ng PNP ang seguridad para sa ikalawang plebisito ng Bangsamoro Organic Law o BOL. Ito ay ayon kay 6th Infantry Division Philippine Army spokesperson Major Arvin Encinas sa panayam ng PSN/ PM. Mas hihigpitan pa ng mga otoridad ang pinapatupad na seguridad bago paman ang plebisito at all set na, dagdag pa ni Encinas. Nagsagawa na din anya sila ng review activity sa nakaraang plebisito upang maiwasan ang anumang pangyayari. Samantala, abot sa 582 na mga pulis ang naipakalat simula pa Martes ng hapon…
Read More500 PULIS IKAKALAT SA N. COTABATO BOL PLEBISCITE
(NI BONG PAULO) NORTH COTABATO – Abot sa 582 na mga pulis ang ipakakalat sa plebesito ng Bangsamoro Organic Law o BOL sa pitong mga munisipyo sa lalawigan ng North Cotabato. Ayon kay Regional Director P/Chief Supt Eliseo Tam Rasco simula pa Lunes ng umaga hanggang sa Pebrero-8 mananatili ang mga pulis para tiyakin ang seguridad sa plebesito. Ang mga pulis ay mula sa iba’t ibang hanay ng PRO 12 Regional Headquarter (PCO-3, PNCO-117), Regional Mobile Force Battalion (RMFB at ng PCO-6, PNCO-114), City/Provincial Mobile Force Company (PCO-6, PNCO-114), alert…
Read More