(NI ROSE PULGAR) INALERTO kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy na mag ingat sa mga nag aalok ng trabaho sa pamamagitan ng social media upang hindi magaya sa isang Pinay na ikinulong ng kanyang employer hanggang sa tumalon at tumakas sa Dubai. Hinihimok kahapon ng DFA ang mga Pinoy na naghahanap ng trabaho na alamin muna sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Philippine Overseas Labor Office (POLO) kung may katotohanan ang alok na trabaho sa ibang bansa. Ang paalala ng DFA ay bunsod sa nangyari sa isang 27- anyos na Pinay, na pumatol sa…
Read MoreTag: OFW
TRAVEL TAX-FREE SA KAANAK NG OFWs OK SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) MALILIBRE na sa travel tax ang mga kaanak ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kapag tuluyang naipasa ang panukalang ito na karagdagang benepisyo ng mga tinaguriang “Bagong Bayani”. Ito ay matapos aprubahan sa House committee on overseas workers affairs ang nasabing panukala na inakda ni Quirino Rep. Dakila Carlo Cua. Sa ilalim ng House Bill 6138 o Travel Tax Exemption, hindi na sisingilin ng buwis ang mga dependent ng mga OFWs kapag bumiyahe ang mga ito, hindi lamang sa iba’t ibang panig ng Pilipinas kundi sa mga…
Read MoreMAG-ASAWANG NALUNOD SA MALDIVES DADALHIN SA SRI LANKA
(NI ROSE PULGAR) INIHAYAG kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dadalhin muna sa Sri Lanka ang mga labi ng mag asawang overseas Filipino worker (OFW) na namatay makaraang malunod sa Maldives. Ayon sa DFA idadaan muna sa Sri Lanka ang bangkay ng mag asawa upang embalsamuhin, bago ito iuwi sa Pilipinas. Sinabi ng Philippine Embassy sa Dhaka, ang mga labi nina Leomer Lagradilla at asawa nitong si Erika Joyce ay ililipad sakay ng Sri Lankan Airlines flight patungo ng Colombo, Sri Lanka Miyerkoles ng alas-12:50 na Manila time.…
Read MoreHIV SEMINAR SA OFWs
(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG dumaan muna sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) seminar ang mga overseas Filipino workers (OFWs) bago lumipad sa ibang bansa. Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (RA) 11166 o Philippine HIV and AIDS Policy Act na inaasahang makakatulong upang makontrol na ang pagdami ng mga Filipino na biktima ng HIV na nauuwi sa Acquired Immuno Deficiency Syndrom (AIDS). Ayon kay OCT-OFW party-list Rep. Aniceto Bertiz III, kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga ahensyang magpapatupad ng nasabing batas partikular na sa hanay ng mga Filipinong…
Read MoreAYUDA SA NAPATAY NA OFW SA SAUDI
NANGAKO ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tutulungan ng ahensiya ang pamilya ng Pinoy worker na napatay sa saksak ng kapwa niya Pilipino sa Saudi Arabia. “Gagawin naming ang lahat ng makakaya para matulungan ang pamilya at maiuwi sa bansa ang bangkay ni Monico Basco Manansala, ng Sasmuan, Pampanga,” ayon kay Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto. Ang biktima ay nagtatrabaho bilang subcontractual sa Rimakl Alswahel Co. Hindi pa umano batid ang dahilan ng pagpatay sa biktima at hindi pa rin inilalabas ang pangalan ng Pinoy na nakapatay dahil…
Read MoreOFWs MABANGO SA RUSSIA
(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL sa kanilang work ethics, maganda ang trato ng mga bansa na miyembro ng Russian Federation sa mga overseas Filipino workers (OFWs). Ito ang nagtulak sa Kongreso na aprubahan ang House Resolution 2347 na inakda ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo pa humiling kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipursige ang negosasyon sa Russian Federations para sa kapakanan ng mga OFWs na nagtatrabaho sa kanilang bansa. Nakasaad sa resolusyon na sa ngayon ay umaabot sa 6,057 OFWs na nagtatrabaho sa Russia, Armenia at Ukraine at hindi pa kasama…
Read More345-K TRABAHO NAGHIHINTAY SA JAPAN
(NI BERNARD TAGUINOD) IHANDA na ang mga papeles kung nais makapag-trabaho sa Japan dahil nangangailangan ang bansang ito ng 345,000 Pinoy workers. Dahil dito, umapela si Eastern Samar Rep. Ben Evardone sa Department of Labor (DoLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) na paghandaan ang bagong oportunidad na ito ng mga Filipino. “DoLE and DFA should prepare as Japan is set to hire 345,000 workers in the next five years,” ani Evardone sa isang pahayag. Ayon kay Evardone, 14 industriya sa Japan ang kukuha ng mga Pinoy workers na kinabibilangan…
Read MorePINOY SA LIBYA PINAG-IINGAT
NAGLABAS ng warning ang Department of Foreign sa mga Pilipino sa Libya matapos ang suicide bomb attack sa Libyan Ministry of Foreign Affairs noong nakaraang linggo. Inabisuhan ang mga Pinoy doon na maging mapagmatyag at iwasang lumabas ng bahay kasunod ng pag-atakeng magaganap kung saan tatlo ang namatay at pitong iba pa ang sugatan. Sinabi ni Philippine Embassy Chargé d’Affaires Mardomel Melicor na tatlong suicide bombers ang sangkot sa pag-atake bandang alas-10:30 ng umaga (alas-4:30 ng hapon Manila time). Mahigit 2,000 Pinoy at mga pamilya ng mga ito ang nasa…
Read MoreGLOBE MAGPAPASAYA SA OFWs, TURISTA
SA taun-taong Christmas tradition, nakipagkaisa ang Globe Telecom sa Philippine Airlines para sa family reunion ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs)sa higit pang saya sa special gift na tinawag na Globe Balikbayan: A Wonderful Christmas Reunion! Ngayong taon, isang surprise gift packs at special Christmas choir ang babati sa mga turista hindi lamang sa NAIA Terminals 1-3 sa Maynila kundi maging sa Cebu at Davao International Airport. Mahigit naman sa 1,400 pasahero mula Dubai, Hong Kong, at Abu Dhabi ang sinorpresa ng gift packs. Sa kanilang pagdating at pagkuha ng…
Read More