DAVAO de Oro – Nalibing nang buhay ang isang lalaki makaraang matabunan nang gumuho ang lupa habang natutulog sa kanilang kusina, iniulat nitong Miyerkoles sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Abner Abejo, 37-anyos, residente ng Purok 10, Patindol, Mt. Diwata, Monkayo, Davao de Oro. Batay sa report ng Mt. Diwata Special Sub-Police Station, dakong alas-7:00 ng umaga noong Martes nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar. Lumabas sa imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang biktima nang biglang gumuho ang lupa at natabunan ang kusina na kinaroroonan ni Abejo. Mabilis na…
Read MoreTag: PATAY
1 PATAY, 6 SUGATAN SA MONTERO
DEAD on the spot ang isang babae habang anim ang malubhang nasugatan makaraang suruin ng isang Mitsubishi Montero sa Sta. Cruz, Manila, nitong Martes ng hapon. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, station commander ng Manila Police District-Sta. Cruz Police Station 3, bandang 2:15 ng hapon nang mangyari ang insidente sa panulukan ng Soler St. at Raon St. sa Sta. Cruz. Nabatid sa report ng pulisya, galing sa Bataan ang driver ng puting Mitsubishi Montero (RKW-502) para umano bumili ng videoke machine sa Salonga Music Store sa lugar.…
Read More2 TANOD PATAY SA OPERATION LINIS
ISABELA – Dalawa ang patay habang sugatan ang pitong iba pa na pawang kabilang sa isinagawang operation linis sa Brgy. Ballacayu, San Pablo City sa lalawigang ito makaraang araruhin ng isang SUV, nitong Martes ng umaga. Hindi umabot nang buhay sa Milagros District Hospital ang dalawang biktimang sina Ambrocio Lagundi y Cabaddu, 47, at Rodrigo Pacion y Gamal, nasa hustong gulang, kapwa barangay tanod. Habang sugatan naman sa insidente bandang alas-9:50 ng umaga. sina Anthony Soriano, 34; Francisco Allata; Redentor Telan; Aaron Soriano, 17; Philip Macapagal, 25, SK chairman; Jose…
Read More11 PATAY, 247 ARESTADO SA SACLEO
BULACAN – Umabot sa 11 drug suspects ang napatay sa magkakahiwalay na anti-drug operation habang 247 indibidwal ang inaresto kaugnay ng ikinasang weeklong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa lalawigang ito. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police Officer-In-Charge (OIC) director, kabilang sa mga nadakip ay 111 drug personalities, 101 most wanted persons at 35 illegal gamblers mula sa 71 police operations sa iba’t ibang bayan sa Bulacan. Kinilala ni Cajipe ang mga napaslang sa drug operations makaraang manlaban sa mga operatiba, na sina Jay-Ar Borromeo, alyas Liit, alyas…
Read More1 PATAY, 1 SUGATAN SA TANDEM
PATAY noon din ang isang 33-anyos na lalaki habang sugatan naman ang kanyang kasama matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Valenzuela city, kahapon ng umaga. Kinilala ni Valenzuela City Police chief, P/Col. Carlito Flores ang biktimang si Eduardo Berangberang ng #8 Narcisa St., Brgy. Canumay East habang inoobserbahan sa Valenzuela Medical Center ang kasama nitong si Ranny Cainday sanhi ng mga tama ng bala sa katawan. Ayon kay homicide investigator P/SSgt. Regor Germedia, tinatahak ng mga biktima ang Dulalia Street sa Brgy. Lingunan patungo sa Lawang Bato flyover bandang…
Read MoreBUY AND SALE TRADER TODAS SA AMBUSH
MAGUINDANAO – Patay ang isang buy and sale trader makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek, iniulat nitong Biyernes sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Efren Saydoquis, 51, may asawa, negosyante at residente ng Sitio Bolo, Brgy. Pandan South Upi, Maguindanao. Batay sa report ng Maguindanao Police Provincial Office, sakay ang biktima sa kanyang minamanehong multicab galing sakahan at pauwi sa kanilang bahay nang tambangan ng hindi kilalang armadong kalalakihan. Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi nabatid na direksyon. Inaalam pa ng mga awtoridad ang…
Read MoreTEACHER WANNABE PATAY SA ROAD MISHAP
NORTH COTABATO – Patay on the spot ang isang 22-anyos binata na nag-a-apply sa pagkaguro matapos na mabangga ng isang SUV sa Barangay Poblacion 5 sa bayan ng Midsayap sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Rod Pederick “Arjay” Dillera Hervas, residente ng Barangay Poblacion 5 ng nasabing bayan. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi pagkagaling ng biktima sa isang lamayan kasama ng mga kaibigan. Habang naglalakad umano ang grupo nang magpasya silang umihi sa gilid ng daan. Ngunit bigla…
Read MoreMAG-INA,1 PANG BATA PATAY SA TRUCK
LAGUNA – Kaunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang mag-ina at ng isa pang bata matapos na masagasaan ng isang humaharurot na truck habang naglalakad sa gilid ng highway sa Manila east road, Barangay Sulib, Pangil, Laguna nitong Huwebes ng madaling araw. Hindi umabot nang buhay sa ospital ang mga biktimang sina Elma Tonel Garcia, 25; anak na si Athena Eljey Tonel Garcia, 5, at ang 7-anyos na si Carl Justine Montegrande Macuñal. Sugatan din sina Gretchen Barrera Tonel, 29, at ang nanay ni Carl Justine na si Giselle Montegrande Macuñal,…
Read MorePAGPATAY NG TANDEM, DROGA TULOY PA RIN; PNP BINIRA SA PROMOSYON NG NCRPO CHIEF
MAKARAANG mamatay ng isang 8-anyos na batang lalaki sa ambush sa Maynila nitong Lunes at nabaril ang dalawang bata sa isa ring ambush nitong Martes, itinaaas pa rin ng bagong talagang hepe ng Philippine National Police (PNP) na si General Archie Francisco Gamboa, ang ranggo ni Brigadier General Debold Sinas sa major general. Si Sinas ay ipinuwesto ni Gamboa bilang “acting director” ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong Oktubre ng nakalipas na taon, makaraang iangat si Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa pagiging hepe ng PNP-Directorial Staff (ikaapat…
Read More