Tiyaking napunta sa tamang benepisyaryo KUMUBRA NG SAP PANGALANAN

NANAWAGAN si Senador Cynthia Villar sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Economic and Development Authority (NEDA) na ilantad at tukuyin ang lahat ng beneficiaries ng cash aid ng pamahalaan sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa pahayag, sinabi ni Villar na kailangan pangalanan ng dalawang ahensiya ang nakakuha ng cash aid dahil sa kalituhan sa uri ng income classes na sanhi ng hindi pagkakatugma-tugma ng bilang na iprinisinta sa Senate Committee of the Whole noong May 19.

“Even if I have issued an apology about my remarks, I am still waiting for an explanation from the DSWD and NEDA about my inquiry to them to clearly identify the recipients or beneficiaries of the government’s cash aid. I found some inconsistencies and discrepancies in the figures they presented,” sabi ni Villar.

Naunang kinuwestiyon ni Villar si DSWD Secretary Rolando Bautista kung paano natukoy ng kanilang departamento  ang 18 million beneficiaries na nasa kanilang report.

“They have to disclose who the beneficiaries are. I have no problem if they included the middle income earners as long as they are qualified. The intended beneficiaries should be the ones to receive the cash aid and figures should add up,” ayon kay Villar.

Nais din niyang malaman kung paano natukoy ang iba pang beneficiaries dahil ang tanging available lamang na listahan ay yaong mga nasa 4Ps or the Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng pamahalaan na 4.5 million pamilya.

Inamin ng DSWD Secretary na wala silang talaan maliban sa 4Ps. Binigyan nila ng kapangyarihan ang local government units (LGUs) na kilalanin ang iba pang beneficiaries.

“The end of the pandemic is not yet in sight.  Thus, the long-term sustainability of funds is important,” ani Villar. ESTONG REYES

262

Related posts

Leave a Comment