EXTENDED ang travel restrictions sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia mula Agosto 16 hanggang Agosto 31, 2021.
Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin ang kasalukuyang travel restrictions ng mga nasabing bansa.
Kaugnay na rin ito ng mataas na banta ng COVID-19 partikular ng Delta variants sa mga nasabing lugar. (CHRISTIAN DALE)
