INULIT ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang kanyang apela na bigyan ng karagdagang suporta ang middle class partikular ang micro, small at medium enterprises (MSMEs) at ang kanilang mga empleyado na apektado ng sakit na coronavirus-2019 (COVID-19).
Sinabi ni Go na ang karamihan sa MSMEs ay napilitang pansamantala at bahagyang isinara dahil sa pandaigdigang krisis sa pangkalusugan at ang pinalawak na mga hakbang sa komunidad na quarantine.
“Malaking parte ng bumubuhay sa ating ekonomiya ay ang MSMEs. Tulungan natin silang buhayin ang kanilang negosyo at maiahon ang kanilang mga empleyado habang nasa panahon ng krisis ang buong bansa,” ani Go.
“Mahirap kumita ngayon. Maraming napilitang magsara kaya hindi nila matustusan ang mga sweldo ng kanilang mga empleyado,” dagdag nito.
Tama aniya ang desisyon ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III, na paghandaan ang pagkakaloob ng tulong sa MSMEs at sa kanilang mga empleyado. NOEL ABUEL
