TWO PARTY SYSTEM

DPA Ni BERNARD TAGUINOD

ISA sa mga pangunahing dahilan kung bakit watak-watak ang ating sa bansa as in walang pagkakaisa ay dahil sa multi-party system. Paano magkakaisa ang bansa kung mismo ang mga political leaders natin ay hindi nagkakaisa?

Dahil din sa multi-party ­system, walang loyalty sa mga political ­leaders natin dahil para silang paru-paru na kung saan may ­mabangong bulaklak ay nandun sila, kung sino ang may hawak sa kaban ng bayan, dun sila pupunta.

Kahit anong turo ng mga guro sa kaniyang mga estudyante na maging loyal ka sa inyong bayan, inyong kaibigan, inyong magulang at mga kapatid kung mismong ang mga pulitiko ay walang loyalty ay walang mangyayari.

Masamang ehemplo ang mga political leaders natin kapag ang pinag-uusapan natin ay ­loyalty.

Walang maniniwala na sila ay loyal dahil tuwing matapos ang eleksyon, iniiwan nila ang partidong ­nagpanalo sa kanila para sumama sa partido ng nanalong pangulo.

Bakit? Dahil gusto nilang magkaroon ng mataas na puwesto sa Kongreso. Kapag hindi sila kasi lumipat sa partido ng nanalong Pangulo ay magiging ‘nobody’ lang sila sa Kongreso. Masamang ehemplo yan.

Papaano kami maniniwala na loyal ka sa bansa mo kung sa mismong partido mo ay hindi ka loyal? Kung political butterfly ka, wala kang loyalty at pansariling interes mo lang ang iniisip mo.

Dahil din sa multi-party system ay hawak ng sinumang pangulo ng bansa ang Kongreso. Kung sino ang nais niyang ­maging Speaker o Senate President ay siyang mauupo.

Huwag kayong maniwala na independent ang Legislative sa Executive Department.

Hindi yan totoo dahil kung sino ang gusto ng ­Pangulo na maging Speaker at Senate President ay syang mauupo.

Paano maayos yan? Ibalik sa two party system ang sistema ng pulitika sa bansa na tinanggal sa Konstitusyon ng Pilipinas noong maagaw ni Cory Aquino ang kapangyarihan kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Saka lang magkakaroon ng independence ang Kongreso sa Malacanang kapag nagkaroon ng two-party system dahil kung mas maraming kongresista na ­mananalo sa kalabang partido, sa ayaw at sa gusto ng nanalong pangulo, hindi siya makakapag-endorso ng speaker.

Sisigla ang check and ­balance sa Executive hindi tulad ngayon na nagbubulag-bulagan ang mga mambabatas dahil sa takot na matanggal sila sa partido o kaya hindi mabigyan ng proyekto.

Hindi na nakakahiya sa mga kabataan na sabihan sila na ­maging loyal, Maiiwasan na ang nakakahiyang agawan ng trono sa Kongreso.

Dalawang grupo lang din ang maglalaban sa presidential elections sa ilalim ng two-party system hindi tulad ngayon na kahit yung mga panggulo lang at gustong ma-media ay puwedeng tumakbong Pangulo.

Sa sistema ngayon, nagsisimula ang gulo dahil sa dami ng kandidato sa pagkapangulo.

Pero kung dalawang partido lang yan,

baka dalawang grupo lang ang magsisiraan para makuha ang pinakamataas na posisyon sa ­gobyerno.

Sa mga nakaraang ­Kongreso, ilang beses na itinulak ang ­two-party system na ito pero walang nangyayari dahil ang ­tatamaan ay ang mga political butterflies na siya ring gagawa ng batas.

162

Related posts

Leave a Comment