ULO NG TOTOY, NATAPYAS SA ELISE NG BANGKA

QUEZON – Binawian ng buhay ang isang 14-anyos na binatilyo matapos na mahulog mula sa bangka at tamaan ng elise nito sa bayan ng Perez sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Ronnel Pelin, residente ng Barangay Pagkakaisa.

Ayon sa Perez Police, pauwi na ang biktima kasama ang dalawang kaibigan galing sa picnic nang mahulog ito habang nakatayo sa unahang bahagi ng bangka sa bahagi ng karagatan ng Barangay Pagkakaisa sa bayan ng Perez.

Ngunit dahil mabilis ang takbo ng bangka, nahagip ng elise nito ang biktima at tinamaan sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

 Mabilis itong sinagip ng mga kasama at itinakbo sa Alabat Island District Hospital ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas. (NILOU DEL CARMEN)

126

Related posts

Leave a Comment