BAGO pa ang magkapatid na Thirdy at Kiefer Ravena, at Juan at Javi Gomez de Liaño, mas naunang nagkaroon ng offer para maglaro sa Japan B.League si Terrence Romeo ng San Miguel Beermen.
Ngunit tinanggihan ng SMB guard ang three-year US$2.7 million contract mula sa isang team sa B.League, pagbubunyag ng isang Gilas Pilipinas official.
Dating naglaro para sa Gilas si Romeo at sa mga panahong ito nangyari ang panliligaw sa kanya ng naturang Japanese team.
Ayon sa source, bagama’t nakasisilaw ang naturang offer, hindi nagdalawang-isip ang Beermen player sa kanyang naging desisyon.
“Yes the offer was very attractive, pero iba yung utang na loob…” wika ni Romeo sa Gilas official.
Dagdag ng source, masaya na si Romeo sa SMB at nais nitong maging Beermen hanggang tuluyang magretiro.
510 