DINAKIP habang nagdya-jogging ang beteranong komentarista na si Waldy Carbonell sa Roxas Blvd, Pasay City sa kasong cyber libel na isinampa ng isang lokal na opisyal ng Pangasinan, umaga ng linggo.
Kasama ni Carbonnel si Publishers Association of the Philippines (PAPI) president emeritus Johnny Dayang nang arestuhin ito at dalhin umano sa Criminal Investigation and Detection Group ng Caloocan City.
Hindi naman agad nakumpirma kung may arrest warrant na inisyu ang korte laban sa nasabing komentarista. (RENE CRISOSTOMO)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)