ISANG mahinahon at kalmadong pagpapakita ng pagsalungat sa ginawa ng administrasyon, ang plano ng overseas Filipino workers (OFWs) na zero remittance week simula ngayon, Marso 28, kaysa mag-alsa, ayon kay dating Chief Presidential Counsel Atty. Salvador Panelo sa “Meet the Manila Press” forum nitong Huwebes.
Sinabi ni Panelo, isang linggo lang naman ang gagawing sakripisyo ng mga OFW sa kanilang pamilya na hindi makapagpadala ng pera.
Aniya, hindi naman ito makaaapekto sa kanilang pang-araw-araw at hindi rin makakaapekto sa ekonomiya.
Sinabi rin ni Panelo, kusang gagawin ito ng mga OFW bilang pagpapakita ng kanilang pagsalungat sa mga ginagawa ng kasalukuyang administrasyon lalo na sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Mas mainam umano ang planong zero remittance week kaysa mag-alsa ang sambayanang Pilipino.
Dagdag pa ni Panelo, kitang-kita ngayon sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang suporta ng OFWs sa mga Duterte, kung saan nanawagan sila na maibalik sa Pilipinas ang dating pangulo.
(JOCELYN DOMENDEN)
